Indymedia

The Independent Media Center (a.k.a. Indymedia or IMC) is a global participatory network of journalists that report on political and social issues. It originated during the anti-WTO protests worldwide in 1999 and remains closely associated with the global justice movement, which criticizes neo-liberalism and its associated institutions. Indymedia uses an open publishing and democratic media process that allows anybody to contribute.

Read More

Overviewing Indymedia

The first Indymedia project was started in late November 1999 to report on protests against the WTO meeting that took place in Seattle, Washington, and to act as an alternative media source.[3][dead link] This followed a successful experiment in June that year, reporting the events of the Carnival Against Capitalism in London, UK. The Media team there used software and unmediated reports from protest participants.[4] The open publishing script was first developed by video activists in Sydney, Australia.

Read More

Welcome to Marinduque Indymedia

Local IMC collectives are expected to be open and inclusive of individuals from a variety of different local anti-capitalist points of view, whether or not these have any definite political philosophy, so that even those without internet access can participate in both content creation and in content consumption.

Read More

Indymedia Legal Battles

In July, 2001 at the 27th G8 summit in Genoa, Indymedia journalists were seriously assaulted at the Diaz school where Indymedia had set up a temporary journalism center and radio station. Twenty-nine Italian police officers were indicted for grievous bodily harm, planting evidence and wrongful arrest during a night-time raid on the Diaz School, and thirteen were convicted.

Read More

Mapping: Where the Hell is Marinduque

Marinduque (Filipino:Marinduke) is an island province of the Philippines located in the MIMAROPA region in Luzon. Its capital is Boac. Marinduque lies between Tayabas Bay to the north and Sibuyan Sea to the south. It is located south and west of Quezon, east of Mindoro, and north of Romblon.

Read More
END:CIV

Join The Network

Search

Friday, June 19, 2015

Radyo itim as common space x swarm bibliotheque


By June 2014, Seitan, Memory and Future has come to agreement to put up a curatorial, dissertation plan and art project for the Planting Rice Exhibition for the following year. A couple of generative discussions, arrange by Merv at Green papaya, where a synergy between artist run and autonomous spaces was forged onsite along with etniko bandido separately approached by England and Lian for the Project Bakawan. Little that I knew that these random if not premeditated plans could turn out to be common space and swarm bibliotheque. By November, onsite was already having second and even third thoughts while EB infoshop is just waiting for the green light. on the end of ISM x MSC, after attending a couple of conference in the Philippine South and Cordillera region have already programmed topics and participants for Ethos Bathos Pathos. Seitan and Future already sensed the impending gravity and bulk of the five wee run, Radyo Itim would have imploded if it went the same rate of other autonomous groups. The tech-transfer would mean a change of the guards. But then again it was a leap of faith amidst doubts, reservations and trust/ security issues. Despite the odds, a consensual decision was reach when the schedule and participants were confirmed locked in spread in 3 week after the initial three day run. Future proposed pag-iral in lieu of survival as an autonomous program. So as likas-kaya for sustainability program. Oikos would become ecology and the ARA skype-meet-up could occupy the place of resistance.

Thursday, June 11, 2015

ANARKIPELAGO: panimulang burador sa nagsasariling kilusang/ eksena ng autonomiya sa arkipelago

Prekolonyal na Kapuluan
Ang kapuluan sa Timog Silangang Asyang tinatawag ngayon bilang Pilipinas ay bahagi ng mga austronesyanong maglalakbay sa dagat at tulay na yelo. Produkto ng mga materyal na basehan ang pangkat ng tao kaakibat ng kanilang kapaligiran, kagaya ng paliwanag ni Fischer sa pagsisimula ng sining at kalinangan, sa paghahangad ng tao na makapitas ng bunga sa puno, kinailangan niyang gumawa ng paraan. Higit pa sa metapora ang paliwanag ng marxista sa pangangailangan sa art at kultura. Bagamat may mga hakahaka, kagaya ng mga daluyong ng migrasyon at unang eskwelahan ng antropolohiyang ipinundar ng mga Amerikano sa Unibersidad ng Pilipinas. Ang paliwanag ni Beyer, ang naunang mga katutubo sa mga isla ay mga negrito inilarawan bilang mga maiitim, kulot ang buhok at mababa. Ang kasunod na dumayo sa kapuluan ay mga Indones, mga kayumanggi, unat ang buhok at may katangkaran. Ang mga sumunod ay mga Malay na gumagamit ng mga bakal at gumagawa ng mga bangka. Pinasubalian ito ng mga kontemporaryong antropolohista at archeolohista, tulad nina Solheim II at Bellwood. imbis sa  pagtataya ng naunang palagay sa mga daluyong ng migrasyon, pusibleng mas maaga pa sa panahon ng mga migranteng mandaragat, sa proto at pre-austronesyanong kulturang nakaugnay sa mga kagamitan, karagatan at lenggwahe. Mayroon ding mga palagay, partikular sa librong kinumisyon noong dekada 70 ng administrasyong Marcos, mayroong gintong panahon ang bansa. Ang panahon ang mga pulo matatagpuan sa Pilipinas ay bahagi ng mas malaking imperyo ng mga Srivijaya at Majpahit kasama ang kasalukuyang Indonesia, India at Tsina. Kung kaya, kaugnay ng ganitong pananaw, kung hindi dumating at nanakop ang mga kolonisador na Europeo ay umabot sa rurok ang sibiliasyong Maharlika at maliit na bahagi lamang ang Pilipinas.

Pananakop x Kolonisasyon
Pero ayon sa mga batis ng kasaysayan, bagamat kolonyal at ayon sa mga arkibo ng mga mananakop sa siglo 15 hanggang ika-19 na siglo, ang kalinangan ay depende sa mga kumbensyong itinakda malayo sa pinag-ugatan at pinagsangahan ng mga ninuno. Kaya napakalaking bagay, bagamat aral sa ibang bansa at kultura sina Manuel at Jocano, nakapag-ambag sila tungkol sa pre-kolonyal na tradisyon sa kapuluan. Gamit ang mga oral na tradisyon, may ibang interpretasyon ang anarkistang mananalaysay si Bas Umali tungkol sa mga ninunong tradisyon. Naka-ugat sa etika ng pagbabahagihan, magkadugsong na ugnayan sa kapaligiran, horizontal na panlipunang organisasyon at anti-kolonyal na praktika at imahinasyon. Kaugnay nito, ang paglalahad ng translokal na kuneksyon ng Cuba, Pilipinas at Espanya sa Under Three Flags ni Anderson. Sa sangandaan ng pre-kolonyal at pananakop, ang tradisyon ng pagtalima ay nakapagdulot ng tiyak na kapahamakan sa mga katutubo at maging sa kalakhang populasyon. Nabura o minaliit ang mga tradisyon at lokal na kaalaman, kung kaya nagkaroon ng dalawang modelo ng pilipinolohiya sa mga gawa ni Rizal at pagtatangka ni Isabelo. Pusibleng magkaroon ng rebolusyon nang walang blueprint, hindi sasapit ang kahandaan sa pagpapahinog ng rebolusyon. May mga materyal na basehan ang pag-aaklas ngunit hindi lamang iisang kayas ang direktang pagkilos. Para kay rizal, mahalaga ang bayan, bansa at nasyon. Sa kabilang banda, ayon kay Isabelo, matatagpuan rin sa mga pagkabansa at pagiging makabayan ang mga binhi ng pandadahas at pananakop, pagkakaroon ng bagong authoridad sa pormasyon ng estado. Ang konsepto ng diktadurya ng proletaryo ay hindi lamang retorika, ang pagkawala ng estado sa pamamagitan ng insureksyon at proletaryong rebolusyon ay mabigat na pangako. Ang rebolusyong 1896 ay hudyat ng pagsisimula ng proyekto ng pagkabansa at pagkakaroon ng nasyon. Ngunit may mga sanga ito, kagaya ng kasunod na kilusang propaganda, hindi pa tapos ang rebolusyon at kinakailangang ipagpatuloy ito. Nagpatuloy ito sa panahon ng okupasyong Hapon at pag-aasimilisa ng mga Amerikano. Hindi naman tumigil ang rebolusyon at dumulo ito sa pagkakaroon ng parallel na estado, ang above at underground. Parehong estado at authoridad ang tinutukoy ni Liwanag sa PSR na kalaban at papalitan ng partido pagka nanalo ang pambansang demokrasya sa bansa.

Anarkipelago x Potensyal ng Hinaharap

Para sa mga anarkista, walang monopolyo sa rebolusyon ang pambansang prente sampu ng armadong kumikilos at mga nakikibaka sa parliamentaryong paraan. Parehong sakit ito, mapabundok man at mapapatag ang labanan, authoridad ng estado at partido ay kinakailangang idesentralisa at ipamahagi sa mga tao upang makapagdesisyon sila anumang hinaharap ang kaya nilang panindigan at pangarapin. Dahil iba-ibang ang antas ng kaunlaran sa arkipelago, kagaya ng siyam na araw sa DIliman Commune kung saan naging tampok ang tunggalian ng mga pambansang demokrasya at ang kilusang walang mga lider.  Kasabay nito ang mga kilusang estudyante sa buong daigdig, kagaya ng sa Amerika at Europa, partikular ang mga pag-aalsa ng mga estudyante sa Paris. Sa ika-21 siglo, kaugnay ng pagpapatalsik sa mga diktador sa Gitnang Silangang mas kilala bilang Arab Spring at sunod-sunod na pag-ookupa ng mga pampublikong parkeng umabot din sa Pilipinas, nagkaroon ng Occupy Luneta, Occupy Mendiola at Occupy Philippines kaugnay ng Occupy wallstreet at malawakang krisis ng kapital. Marahil, hindi na usapin ng mga rehiyonal na varayti ng wikang Filipino kagaya ng mga nangyayari sa Gresya at Espanya, iba-ibang potensyalidad ito sa magkakaibang konteksto. Ngunit ang mahalagang punto, bagamat may binubuong pambansa, kung mayroon mang anti kolonyal na imahinasyon, malamang mayroon ding anarkistang praktikang lampas sa hangganan ng mga bansa at barangay o anumang pook.

pagsasakatutubo ng sosyolinggwistiks


1.  Ano ang pusibilidad ng pagkakaroon ng Pilipinong sosyolinggwistiks? O pagsasakatutubo ng sociolinguistics sa pilipinas. Karaniwan ang pagkakaroon at paggamit ng tao sa wika, ngunit may pangangailangan diskubrehin at hindi ilapat ang pangkalahatang grammar sa iba’t ibang pook, kagaya ng mag palagay sa partikular na kitid at pokus ng sociolinguistics. Kinakailangan mailapat sa spesipikong konteksto ay pag-aaral ng wika. Hindi pusibleng pag-aralan ang wika nang hiwalay sa konteksto. Tila walang saysay ang synchronikong pag-aaral kung walang diakronikong komponent nito. Ang panlipunang konteksto ng alinmang wika ay  napakahalaga. Mananatiling abstrakto at lulutang-lutang ang pag-aaral ng wika. Kung walang basehan o reperensya ito sa pook. Kung ipapaliwanag ay kontekstong panlipunang ng Filipino, pusibleng  resulta nito ang mga dekolonisasyon ng bawat kaisipan, pagkilos at pakiramdam sa pagpapasailalim ng iba’t ibang kolonisador kagaya ng mga espnasyol, amerikano, hapon at iba pa. gayunpaman, kagaya ng ibang bahagi ng timog silangang asya partikular ang indo china, ang panlipunang konteksto ng de/kolonisasyon ay naghahawan ng daan at nagbibigay ng puwang para sa pagsasakatutubo ng mga agham pangtao kagaya ng linggwistiks, mas partikular ay sosyo-linggwistiks. Mula sa pagiging unibersal kinakaialngan dumaan sa dekolonisasyon ang dating nasakop at isakatutubo ay kaalamang nito.

paggiging generative x creative ng wika


1Dumaan din sa mahahalagang yugto at pagbabago ang kaisipan ni Noam Chomsky tungkol sa wika. Bagamat, mas litaw ito sa radikal na pagpapatotoo sa lawak ng implikasyon ng pagiging unibersal ng grammar. Mahalaga ang konteksto kung saan, paano at kelan lumabas ang impluwensyal ang mga ideya ni Chomsky. Bagamat sobrang tagal nang nagtatanong at nagbibigay ng paliwanag ang mga pantas tungkol sa kalikasan ng wika, nitong ika-20 siglo lamang nabigyan ng mas tumpak na sagot sa maraming tanong nina Aristotle at Plato tungkol sa pagiging common ng wika. Sa panahon ng pag-usad ng teknolohiya at agham ng kognisyon, ay mas maipapaliwanag na ang mga phenomenon dati ay tula ng natatanging kaso lamang. Sa unang hati ng siglo 20, sa larangan ng sikolohiya, naging dominante ang behaviorismo, kagaya ng sinulong nina Watson at Skinner. Mula sa napaka-pilosopikal ang pag-aaral ng wika ng tumagos sa antropolohiya at maging sa iba pang agham pantao. Binigyan ng kritika nina Skinner ang kognitibong siyentista nang panahon na iyon, kung hindi masusukat at direktang maoobserbahan, ang penomenong ito ay walang lugar sa siyentipikong imbestigasyon. Nang pumasok sa debate si Chomsky, nilugar niya ang pagiging unibersal ng grammar sa mga utak ng tao. Bagamat iba-iba ang mga indibidwal, ang mga tao ay mayroon parte ng isip para sa pagkuha at pagkatuto ng wika, kung gayon maliban sa unibersal ito, ang wika ay generative at creative din.

anthropogenic


pparehong may sariling paraan sa komunikasyon ang mga tao at hayop. Ang mga hayop ay mga signal, kemikal, tunog at kulay upang magbigay ng impormasyon sa kapwa. May mga siyentipikong pag-aaral sa mga ibon x unggoy, maging sa mga insekto na nagpapatunay nito. Ngunit tao lamang ang may kapasidad na baguhin ang kanyang paligid sa pamamagitan ng mga inimbentong bagay kagaya ng wika. Hindi mga hayop ang gumagawa ng wika kundi ginagamit lamang nila ang makikita o matatagpuan sa paligid. Ang mga langgam at bubuyog ay hindi gumagamit ng wika bagamat nagpapalitan sila ng impormasyon at may antas ng proseso sa pamamagitan ng mga kemikal kagaya ng pheromone. Ang mga tao ay hindi lamang nagpapalitan ng impormasyon kundi ginagamit nila ang wika upang iproseso ito nang mas malawak at mas malalim. Maliban sa literal na ibig sabihin o simpleng palitan lang ng impormasyon ay maaaring maging patalinghagang kahulugan ay matutuklasan kalakip sa wika. Maari pa itong iproseso upang magdulot ng ibang epekto o pakikiramdam. Kagaya ng likhang sining, na hindi maiintindihan o maipoproseso ng mga hayop, mga tao lang ang may sapat na pasilidad at gamit upang makaunawa ng kompleksidad ng materyal na kahingian.