1. Ano ang pusibilidad ng pagkakaroon ng Pilipinong
sosyolinggwistiks? O pagsasakatutubo ng sociolinguistics sa pilipinas. Karaniwan
ang pagkakaroon at paggamit ng tao sa wika, ngunit may pangangailangan diskubrehin
at hindi ilapat ang pangkalahatang grammar sa iba’t ibang pook, kagaya ng mag
palagay sa partikular na kitid at pokus ng sociolinguistics. Kinakailangan
mailapat sa spesipikong konteksto ay pag-aaral ng wika. Hindi pusibleng
pag-aralan ang wika nang hiwalay sa konteksto. Tila walang saysay ang
synchronikong pag-aaral kung walang diakronikong komponent nito. Ang
panlipunang konteksto ng alinmang wika ay
napakahalaga. Mananatiling abstrakto at lulutang-lutang ang pag-aaral ng
wika. Kung walang basehan o reperensya ito sa pook. Kung ipapaliwanag ay
kontekstong panlipunang ng Filipino, pusibleng resulta nito ang mga dekolonisasyon ng bawat kaisipan,
pagkilos at pakiramdam sa pagpapasailalim ng iba’t ibang kolonisador kagaya ng
mga espnasyol, amerikano, hapon at iba pa. gayunpaman, kagaya ng ibang bahagi
ng timog silangang asya partikular ang indo china, ang panlipunang konteksto ng
de/kolonisasyon ay naghahawan ng daan at nagbibigay ng puwang para sa
pagsasakatutubo ng mga agham pangtao kagaya ng linggwistiks, mas partikular ay
sosyo-linggwistiks. Mula sa pagiging unibersal kinakaialngan dumaan sa dekolonisasyon
ang dating nasakop at isakatutubo ay kaalamang nito.
0 comments:
Post a Comment