END:CIV

Join The Network

Search

Wednesday, September 5, 2012

“Mga Epektong ng Labis na Paghihigpit ng mga Magulang sa kanilang anak.”

Ang suliranin na pagtutuunan namin ng pansin ay ang maaaring maging epekto ng paghihigpit ng mga magulang sa kanilang mga anak. Hangarin ng pag-aaral na ito na matalakay ang kadahilanan ng paghihigpit ng mga magulang sa kanilang mga anak at makapagbigay ng solusyon sa maaaring maging negatibong epekto nito. Ang mga layunin ng pag-aaral na ito ay maiparating sa mga magulang ang mga nagiging epekto ng kanilang paghihigpit sa kanilang mga anak at mabigyang impormasyon ang mga kabataan kung paano nila ito mahaharap. Ang inaasahan naming resulta sa pag-aaral na ito ay maisip ng mga magulang ang kanilang mga responsibilidad bilang mga magulang sa mas ikakabuti ng kanilang mga anak at malaman ng mga kabataan ang mga rason kung bakit may mga pagkakataon na dapat sila pagbawalan ng kanilang mga magulang. Inaasahan din namin na mabubuksan ang isipan ng ilang mga kabataang na hindi maunawan ang kanilang mga magulang. Gagamitin naming mambabasa o tagatugon sa aming pag-aaral ang mga Grade 7 ng Laboratory High School ng Marinduque State College, Boac, Marinduque at ilang mga magulang.