*ni: Shirlyn A. lecaros* *Kapaligiran ang siyang ating yaman, * *Pinagkukunan ng ating kabuhayan* *Mga isda, halaman at pinagkakakitaan* *Ng mga mamamayan na dito ay naninirahan.* *Halina't ating pagmasdan * *Ilog na noo'y kay yuming tignan* *Mga isdang dati'y naglalanguyan* *Sa animo'y salamin at kristal na daluyan.* *Ngunit anong nangyari sa ilog na biyaya?* *Mga namumutawi sa isipan ng madla.* *Ang naisi't yari ito ba ay sadya?* *Nagdurusang tao'y kanya ring gawa.* *Sa tao ma'y biyaya, siya ring pinsala* *Datapwat nakatulong, sa aking hinala* *Ilog ay gaganti rin buhat kay Bathala* *Dahil bawat kayaman sa Kanya nagmula.* *Sa isang bahagi kung ating nanaisin* *Yaring nagawa'y pwede pang pawiin.* *Itigil na ang gawaing karimarimarim* *Pangangalaga sa ilog, ang oras ay gugulin.* *Bagaman maaaring hindi na maibabalik* *Ganda ng ilog sadyang nakakapanabik, * *Atin pa ring itanim sa puso at isip,* *Na ang katuparan ng mithii'y nagmumula sa panaginip.*
0 comments:
Post a Comment