Ang Philippine Studies sa isang banda ay mapangbuklod na proyekto para sa pagbubuo ng bansa. Ngunit sa kabilang banda, ang lokal na pag-aaral ay maaaring mapagbukod rin. Nais iproblematisa ng panel na ito ang mga umiiral mga daluyan/ platform at talaban (convergence at conjunctions) sa parehong pribado at pampublikong institusyon. Hindi homogenous/ parepareho ang mga translokal na produksyon ng kaalaman, partikular sa Cordillera, Pampanga, Bikol, Cebu at Mindanao. Heterogenous ang mga piling sentro ng pampook na pag-aaral at pananaliksik ng mga Higher Education Institutions tulad ng Holy Angel University, Ateneo de Naga University, University of San Carlos. Gayundin ang mga katumbas sa State Universities and Colleges kagaya ng University of the Philippines Baguio at Mindanao. Sa pamamagitan ng pagtatala sa mga non-linear na kasaysayan at translokal na pagpopook, maaaring matagpuan ang mga nagbubuklod at nagbubukod na mga daluyan at talaban sa mga produksyon ng kaalaman ng Cordillera Studies, Kapampangan Studies, Bikol History and Culture, Cebuano Studies at Mindanao Studies.
Susing Salita: translokalidad. daluyan, platforms. Talaban, convergence, conjunctions, non-linear na kasasayan. Pampook na espasyo.
0 comments:
Post a Comment