Iba naman ang problematik ng
parteng ito ng pag-aaral ng paggalaw, kung sa mas naunang parte ay binigyang diin
ang indibidwal na paggalaw. Sa parteng ito ay nilalagay sa konkteksto ang indibidwal
na nakapaloob sa mas malaking institusyon, ang institustyon ng lipunan. Binubuo
ito ng kasunod na apat na parte ng pag-aaral ng paggalaw, kung ang Flip ay tumalakay
at nakapagbigay ng empirikal at anekdotal na mga datos, sinubukan ng
mananaliksik na pagsangahin ang mga kategorya niya sa paggalaw sa pamamamagitan
ng tatalong magkakaiba ngunit magkakaugnay
na penomeno sa kasalukuyang panahon. Ang sikopatolohiya ay sinubukang ilapat sa
pagpatay ng estado. Tunghayan sa rasyunale ng bahaging ito:
Ang papel ay tungkol sa pagbabasa ng kamatayan ng
estado/ estado ng kamatayan. Ang papel dito ay tumutukoy sa isang dimensyonal
na midyum na tatalakay sa pagbabasa ng mga detalye ng kamatayan ng estado. Ang
problema ay hindi ang estado kundi ang ideya nito.Ang ideya ng estado ay hindi
namamatay. Ang estado na tinutukoy dito ay patay na, pero ang ideya nito ay
hindi pa. Makikita ito sa ideya nito, sa konkreto sa patuloy na pagtaas ng
bilang ng political killings sa ating
bansa.
Sa unang pagsasanga,
ang unang parte ng 100 tula ay ang pagbasa ng Political
Killings gamit ang mga primaryang batis ng AFP at iba pang ahensya ng gobyerno tungkol
sa pagkakategorisa sa mga NPA bilang terorista. Ang kuneksyon ng mga ideya ay
sinagawa sa pamamagitan ng pagpapalitaw
ng mga mahahalagang konsepto batay sa mananaliksik sa mga transmittal, sulat,
e-mail, diskusyon, powerpomit presentation at iba pang mga dokumento ng
Sandatahang Lakas ng Pilipinas at mga intelligence
nito. Ginawa ito sa pamamagitan ng pagsasalit-salit ng mga seksyon ng 100 tula
at pagbura sa ibang parte ng mga dokumento na pinili sa pamamagitan ng pagtabon
ng tinta ng pentel pen sa papel.
ang pinakamatingkad na katangian ng isang
demokratikong bansa ay ang pagkakaroon ng eleksyon. Sa pamamagitan ng eleksyon,
makakaboto ka. Makakapaghalal ka ng mga pulitiko na tutulong at magbibigay ng
solusyon sa problema ng Pilipinas. Makakapili ka ng pinakamahusay at pinakamatatalinong
mga kandidato. Sa ngalan ng eleksyon mauubos ang korupsyon.
Sa kasunod na parte ng
pagsasanga, ang Schizophrenia ay nilalapat sa eleksyon sa Pilipinas sa
pamamagitan ng pagkuha sa partikular na kaso ng Gloria-Gate Scandal. Kinuha ang
transkripsyon ng kumbersasyon ng dating komisyuner na si Virgilio Garcillano at
ang kasalukuyang Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Ginupit ito sa kalahati at
sumipi ng mga karampatan na kaso at violation
nito sa Omnibus Elction Code. Tulad ng
ginawa sa unang pagsasanga, sinalit-salit din ang paglalagay ng mga seksyon sa
100tula.
Pero ito ang mababangong panaginip ng demokrasya at
ilusyon ng eleksyon. Ilang beses na bang nabigo ang mga Pilipino. Ilang beses
nang umasa na may magbabago. Ilang beses nang nangarap nang mas magandang
bukas. Pero ilang beses na rin nagising sa katotohanan at walang magawa kundi
ang magpartisipeyt sa ritwal ng eleksyon at pagboto. Walang hanggang pagpila sa
rasyon ang eleksyon. Bago ka pa makarating sa dulo ng pila, ubos na ang
binibigay na lugaw o tuyo.
Habang gumagawa ng ibang
galaw sa pamamagitan ng paggupit at pagputol ng papel at pagkukunekta ng mga ideya
ng eleksyon sa transkripsyon ng Gloria-Garci Tape at sipi ng Omnibus Elction Code, pinapalabas ang mga
kuneksyon at paggalaw ng mga ideya sa anyo ng zine.
nasa yugto na tayo ng digital at virtual,
bagamat mas marami ang nakatali sa lupa. Binura na ng teknolohiya ang agwat ng
lupa sa kalangitan. Wala nang pagitan ang luma at bago. Nag-a-abot ang lahat sa
isang absolutong dimensyon ng pagiging digital at virtual ang mundo. Epekto ito
ng globalisadong pakikipag-ugnayan. Sa pamamagitan ng mga bagong midyum, tulad
ng internet, cellphone, email, pagba-blog at e-books. Sabay-sabay na umiiral ang mga luma at bagong midyum.
Lahat ay nalulusaw sa akselerasyon ng teknolohiya.
0 comments:
Post a Comment