END:CIV

Join The Network

Search

Tuesday, October 20, 2015

"BOBOto Ka Pa Rin??" ni pulang balintataw

Basta may gobyerno, walang pagkakaiba yan. Kahit yang mga marcos nyo n pinapauso puro pagpapayaman lang at kapangyarihan ang motibo nila sa nakaraan hanggang sa kasalukuyan... Di ko kayo maintindihan, Lalo na tong mga kabataan na ansarap dagukan. Tuwang-tuwa  sa kwentong nutriban na kahit kailan naman ay di nila natikman.

Parang mga palasak na istorya na bentang-benta pa rin sa masa, pinalitan lang ang mga character sa entablado Pero lokohan pa rin ang pormula. Lahat sila, walang pinagkaiba, ang alam lang e puro pamumulitika.

 Pero cge, ikaw pa rin ay BoBoto. Kasi sinanay  na ng mga commercial ang utak na kailangan mong pumili ng brand ng politiko... Sinalsal ang pantasya ng katamaran: sila na ang bahala sa iyong kinabukasan, relax ka lang at sila raw ang seserbisyo at aambunan ka nlang...

Tinadtad ang isip ng propagandang pampabango, mga salitang bebenta sa panlasa mo, at naniwala ka na nasa kanila ang pagasa mo. Pero pag nanalo naman sasabihin na 'tulungan nyo ko abutin ang mga pinangako ko'...anak ng tokwa, bat di ka nlang dumiretso na gawin ang mabuti para syo at wag magpagamit sa mga aso?

At ang buong termino? nakalaan sa pagpapaganda at pagpapagwapo, katatapos plang ng eleksyon, umpisa na agad sa pangangandito.

Bakit ka ganyan?
Dahil timplado na sa isip mula pa ng ikaw ay bubwit na sa pagboto ikaw ay obligado dahil kung hindi e wala kang karapatang magreklamo.


Akala nila sila na ang matatalino, pero ang totoo sila ang  mga sunudsunuran sa mga binentang ilusyon. Utak ay nakahon sa sistema ng mga gunggong. Nakapatong sa balikat mo  habang sila ay lumalamon sa kamay ng mayayamang nagbigay ng campaign donation na kanilang totoong paglilikuran sa habang panahon.

0 comments:

Post a Comment