END:CIV

Join The Network

Search

Thursday, July 30, 2015

kulturang pamamahagi x peripheral studies/research centre

Kultura ng Pamamahagi sa mga Info Shop sa Pilipinas, mga susing argumento
1.     ang kultura ay repleksibong bahagi ng lipunan. Bagamat hindi eksaktong magkapareho ang kultura at lipunan. Ngunit maaaring maging pananda o sukatan ng pag-unlad o pagsulong ng anumang lipunan ang kultura. Ibig sabihin, mas abante ang lipunan ay mas kompleks at masalimuot ang kultura, mas maunlad dito.
2.     Kung ang pilipinas bilang bahagi ng rehiyong Asya ay mayroong kultura, paano nakikita o tinitingnan ang lipunang Pilipino? Partikular sa panahon ng Asian Integration at globalisasyon
3.     Palasak ang pakahulugan ng pamamahagi sa midya, sa opisyal na batis, maging sa internet. Halimbawa ang kampanya ng isang carbonated na inumin. Maging ang mga panlilimos at pagdamay sa panahon ng sakuna. Gayundin ang ginagawa sa mga online network ay pawing hungkag sa diwa at kahulugan.
4.     Ang mga peripheral studies/ research ay nasa labas, lampas at iba sa mga nakabase sa komunidad o eskwelahan (nasa antas mababa x mataas (pribado man o pampublikong sektor. Ang sinusulong ko ang bagong commons at immaterial na paggawa.
5.     Pilipinas bilang proyekto ng zomia o sining ng pagsasarili sa anarkipelago. Ang zomia ay terminong heograpikal tumutukoy sa hindi napailalim o nasaklaw ng mga estado o nasyon. Ang anarkipelago ay mula sa terminong anarkiya x arkipelago, kapuluang walang sentral na otoridad. Bagamat meron nang debolusyon at desentralisasyon sa bisa ng batas sa lokal na gubyerno ngunit resulta ito ng kontradisyon ng mga sitwasyon at kondisyon, hindi ng konsesnsus na desisyon.

Mga peripheral studies center: mungkahing proyekto para sa danum (p2p offline exchange x infotour internship)
6.     halimbawa ng peripheral research/ studies ay ang Cordillera Studies Center ng UP baguio x Mindanao Studies Program sa UP Mindanao na naging Mindanao Studies Consortium Inc. tumutugon sa kakulangan sa produksyon ng kaalaman mula sa labas ng sentro
7.     kung ang DANUM x SiKAP ay mga samahan o organisasyon ng mga estudyante ng Pilipinolohiya may mga regular na aktibidad, proyekto x programa, ano ang magiging ambag nila sa mga peripheral studies/ research? Pusible bang maging “career option” o mananaliksik ng kultura, lipunan at kamalayang Pilipino?
8.     Ang peer to peer (p2p) offline exchange ay tumutukoy sa mgz impormal na mga palitan ng mga umuusbong at batikang Pilipinolohista sa larangan ng Sikolohiyang Pilipino, Pantayong Pananaw o Pilipinolohiya hindi limitado sa SP,PP at Pilipinolohiya o wika, kultura x midya, maaaring hatiin minsan sa isang term o 3x sa isang taon.
9.     Ang info tour internship naman ang paghahanda sa mungkahing disertasyon o pag-aaral. Maaring pumili ng hindi bababa sa dalawang studies center at hindi lalampas sa 3 info shop upang magkaroon ng ideya sa pagpapatakbo ng sariling peripheral studies/ research center
1. halimbawa ng p2p exchange ay ang translokal na kumperensya sa araling Filipino at ang common space x swarm bibiliotheuque bilang bahagi ng bakawan arts festival. Halimbawa ng IT internship ay ang autonomous spaces x infoshop conference sa sapangpalay, bulacan.11. Ang marindukanon studies center x info shop marinduque ay kolapsibol at transyent na proyektong arkibal, maging curatorial. Gumuguhit ito ng transbersal na linya sa paggitan ng mga pribado x pampublikong institusyon upang makagawa ng multi-platform na outcomes o bagong commons na walang blueprint.

0 comments:

Post a Comment