Prekolonyal na Kapuluan
Ang kapuluan sa Timog Silangang Asyang
tinatawag ngayon bilang Pilipinas ay bahagi ng mga austronesyanong maglalakbay
sa dagat at tulay na yelo. Produkto ng mga materyal na basehan ang pangkat ng
tao kaakibat ng kanilang kapaligiran, kagaya ng paliwanag ni Fischer sa
pagsisimula ng sining at kalinangan, sa paghahangad ng tao na makapitas ng
bunga sa puno, kinailangan niyang gumawa ng paraan. Higit pa sa metapora ang
paliwanag ng marxista sa pangangailangan sa art at kultura. Bagamat may mga
hakahaka, kagaya ng mga daluyong ng migrasyon at unang eskwelahan ng
antropolohiyang ipinundar ng mga Amerikano sa Unibersidad ng Pilipinas. Ang
paliwanag ni Beyer, ang naunang mga katutubo sa mga isla ay mga negrito
inilarawan bilang mga maiitim, kulot ang buhok at mababa. Ang kasunod na dumayo
sa kapuluan ay mga Indones, mga kayumanggi, unat ang buhok at may katangkaran.
Ang mga sumunod ay mga Malay na gumagamit ng mga bakal at gumagawa ng mga
bangka. Pinasubalian ito ng mga kontemporaryong antropolohista at
archeolohista, tulad nina Solheim II at Bellwood. imbis sa pagtataya ng naunang palagay sa mga daluyong
ng migrasyon, pusibleng mas maaga pa sa panahon ng mga migranteng mandaragat,
sa proto at pre-austronesyanong kulturang nakaugnay sa mga kagamitan, karagatan
at lenggwahe. Mayroon ding mga palagay, partikular sa librong kinumisyon noong
dekada 70 ng administrasyong Marcos, mayroong gintong panahon ang bansa. Ang
panahon ang mga pulo matatagpuan sa Pilipinas ay bahagi ng mas malaking imperyo
ng mga Srivijaya at Majpahit kasama ang kasalukuyang Indonesia, India at Tsina.
Kung kaya, kaugnay ng ganitong pananaw, kung hindi dumating at nanakop ang mga
kolonisador na Europeo ay umabot sa rurok ang sibiliasyong Maharlika at maliit
na bahagi lamang ang Pilipinas.
Pananakop x Kolonisasyon
Pero ayon sa mga batis ng kasaysayan, bagamat
kolonyal at ayon sa mga arkibo ng mga mananakop sa siglo 15 hanggang ika-19 na
siglo, ang kalinangan ay depende sa mga kumbensyong itinakda malayo sa pinag-ugatan
at pinagsangahan ng mga ninuno. Kaya napakalaking bagay, bagamat aral sa ibang
bansa at kultura sina Manuel at Jocano, nakapag-ambag sila tungkol sa pre-kolonyal
na tradisyon sa kapuluan. Gamit ang mga oral na tradisyon, may ibang
interpretasyon ang anarkistang mananalaysay si Bas Umali tungkol sa mga
ninunong tradisyon. Naka-ugat sa etika ng pagbabahagihan, magkadugsong na
ugnayan sa kapaligiran, horizontal na panlipunang organisasyon at anti-kolonyal
na praktika at imahinasyon. Kaugnay nito, ang paglalahad ng translokal na
kuneksyon ng Cuba, Pilipinas at Espanya sa Under Three Flags ni Anderson. Sa
sangandaan ng pre-kolonyal at pananakop, ang tradisyon ng pagtalima ay
nakapagdulot ng tiyak na kapahamakan sa mga katutubo at maging sa kalakhang
populasyon. Nabura o minaliit ang mga tradisyon at lokal na kaalaman, kung kaya
nagkaroon ng dalawang modelo ng pilipinolohiya sa mga gawa ni Rizal at
pagtatangka ni Isabelo. Pusibleng magkaroon ng rebolusyon nang walang
blueprint, hindi sasapit ang kahandaan sa pagpapahinog ng rebolusyon. May mga
materyal na basehan ang pag-aaklas ngunit hindi lamang iisang kayas ang
direktang pagkilos. Para kay rizal, mahalaga ang bayan, bansa at nasyon. Sa
kabilang banda, ayon kay Isabelo, matatagpuan rin sa mga pagkabansa at pagiging
makabayan ang mga binhi ng pandadahas at pananakop, pagkakaroon ng bagong
authoridad sa pormasyon ng estado. Ang konsepto ng diktadurya ng proletaryo ay
hindi lamang retorika, ang pagkawala ng estado sa pamamagitan ng insureksyon at
proletaryong rebolusyon ay mabigat na pangako. Ang rebolusyong 1896 ay hudyat
ng pagsisimula ng proyekto ng pagkabansa at pagkakaroon ng nasyon. Ngunit may
mga sanga ito, kagaya ng kasunod na kilusang propaganda, hindi pa tapos ang
rebolusyon at kinakailangang ipagpatuloy ito. Nagpatuloy ito sa panahon ng
okupasyong Hapon at pag-aasimilisa ng mga Amerikano. Hindi naman tumigil ang
rebolusyon at dumulo ito sa pagkakaroon ng parallel na estado, ang above at
underground. Parehong estado at authoridad ang tinutukoy ni Liwanag sa PSR na
kalaban at papalitan ng partido pagka nanalo ang pambansang demokrasya sa
bansa.
Anarkipelago x Potensyal ng Hinaharap
Para sa mga anarkista, walang monopolyo sa
rebolusyon ang pambansang prente sampu ng armadong kumikilos at mga nakikibaka
sa parliamentaryong paraan. Parehong sakit ito, mapabundok man at mapapatag ang
labanan, authoridad ng estado at partido ay kinakailangang idesentralisa at
ipamahagi sa mga tao upang makapagdesisyon sila anumang hinaharap ang kaya
nilang panindigan at pangarapin. Dahil iba-ibang ang antas ng kaunlaran sa
arkipelago, kagaya ng siyam na araw sa DIliman Commune kung saan naging tampok
ang tunggalian ng mga pambansang demokrasya at ang kilusang walang mga
lider. Kasabay nito ang mga kilusang
estudyante sa buong daigdig, kagaya ng sa Amerika at Europa, partikular ang mga
pag-aalsa ng mga estudyante sa Paris. Sa ika-21 siglo, kaugnay ng pagpapatalsik
sa mga diktador sa Gitnang Silangang mas kilala bilang Arab Spring at sunod-sunod
na pag-ookupa ng mga pampublikong parkeng umabot din sa Pilipinas, nagkaroon ng
Occupy Luneta, Occupy Mendiola at Occupy Philippines kaugnay ng Occupy wallstreet
at malawakang krisis ng kapital. Marahil, hindi na usapin ng mga rehiyonal na
varayti ng wikang Filipino kagaya ng mga nangyayari sa Gresya at Espanya,
iba-ibang potensyalidad ito sa magkakaibang konteksto. Ngunit ang mahalagang
punto, bagamat may binubuong pambansa, kung mayroon mang anti kolonyal na
imahinasyon, malamang mayroon ding anarkistang praktikang lampas sa hangganan
ng mga bansa at barangay o anumang pook.
0 comments:
Post a Comment