Indonesia
Soekarno erport sa Jakarta at Polonia erport sa Medan, ilang
oras lang ang byahe sa himpapawid mula
sa maynila hanggang sa kabisera ng Indonesia. pagdating namin, walang time
difference sa dalawang syudad, kailangan naming magpalipas ng ilang oras.
Umuusok ang erport, amoy gudang garam, tunog ng pumuputok na buto ng nasusunog
na tanim. Dapat sa kabilang terminal, imbis na Ninoy Aquino ay sa Diosdado
Macapagacal sana ang byahe naming rekta sa North Medan sa isla ng Sumatra.
Marahil kung gaano kahaba ang pananakop ng Espanyol sa atin ay ganoon rin
katagal ang mga Olandes sa kanila. Mahigit sa tatlong daang taon na pananatili,
ngunit hindi mabago nang tuluyan ang
tanging kristyano at pinakamalaking islamikong bansa sa Asya. Kulang sa
dalawang linggong byahe para makadalo sa Pekan Anti Otoritarian. Hindi naming
natapos ang buong linggo, unang tatlong araw pa lang ay nagkakagulo na ang mga
taga tao, may taga Taiwan ang nawalan ng gamit, buong bag kasama ng pasaporte.
0 comments:
Post a Comment