Ang premise ng curatorial project ay tingnan ang pusibleng
resulta sa interaksyon ng mga professional artist mula sa panggitnang uri ng
lipunan at sa maraling tagalungsod. May dalawang potensyal, direkta at hindi
direktang impluwensya sa proyekto ang konsepto ng gahum at ideolohiya. Maaaring
madetermina ng mga ekonomikong pwersa ang kamalayang panlipunan gayundin, maaaring
makadetermina ang ideolohiya sa konkreto at materyal na lipunan. Kung sa
musikal na komposisyon, parehong pusible ang tugtog at liriko nang hiwalay.
Minsan meron nang tunog kaso wala pang titik. Pagka minsan naman, mayroong nang
letra, ngunit wala pang musika o himig. Gayundin ang resulta ng white noise sa
denotasyon at konotasyon nito, ang mahalagang punto ay hindi tabula rasa at isahang
daan ang daloy ng pwersa. Sa trabaho ng street-artist sa isang brgy sa North
Triangle, dambuhalang cut-out ang ginawa na hindi mapapnsin kung detalye lamang
ang papansinin. Mas litaw ang kahulugan sa malaking larawan kaysa mga maliliit
na siwang ng ilaw. Batay sa letrato ng bakod na gawa sa tinik na baka na naghihiwalay
o nagbibigay sa karamihan ng (in)seguridad. Gayundin, ang tahimik na demolisyon
sa Mandaluyong na ginagamitan ng software sa pagmamapa at instalasyon gawa sa
mga materyal na madaling baklasin sa panahon ng krisis. Ang huling trabaho ay
unipormeng may logo ng mag tigpipisong chichirya sa Brgy. Plastikan ng mga
scavenger at nabubuhay sa basura.
0 comments:
Post a Comment