Nawa’y kasihan tayo ng mga ispiritu ng mga KAGUBATAN, ILOG, LAWA, SAPA, AT KARAGATAN. Sana ay tulungan tayo ng KARUNUNGAN NG ATING MGA NINUNO na maunawaan na tayong mga tao sa arkipelago at sa ibang panig ng mundo na tayo ay bahagi lang ng napakalawak at samu’t-saring buhay sa sansinukob. Ang MALAWAK NA PAGKASIRA NG KALIKASAN, KAHIRAPAN, PAG-ALIPUSTA SA KABABAIHAN AT PATULOY NA DIGMAAN ay palatandaan ng ATING KAMANGMANGAN. Ang patuloy na PAGHAHANGAD NATIN NG KAPANGYARIHAN AT LABIS-LABIS NA YAMAN ay isang malaking kahibangan na nagre-resulta lamang ng pagsira ng ating sarili at pagduhagi sa mga komunidad, mga pamilya at pamayanan.
Nawa’y malampasan natin ang krisis na ito at muli tayong makaugnay sa ating organikong sarili at kapaligiran. Nawa'y muling umiral ang respeto, pag-ibig, kapayapaan, sapat na pangangailangan at sustenableng pamumuhay.
Sa GABAY NG ATING MGA NINUNO.
0 comments:
Post a Comment