Unang tomo sa 15 ang serye ng sine ni Lav Diaz, matagaltagal
ko rin inaantabayanan ang mga pelikula ni Pugot Brocka. Bukod sa black and
white at mahaba-habang pelikula, mayroon pa ring bago sa kasalukuyang proyekto
ng sine Olvia. Dahil sa nangyari sa Haiyan, nagbunsod ito ng pangangailangan
upang maibahagi ang istorya ng yolada sa perspektiba ng mga nasa laylayan,
etsapwera at naisantabi, sa kasong ito ang mga batang nakaligtas sa delubyo.
Dahil sa paksa ng dokumentaryo, mainam talagang monochrome ang kulay upang
makatuon sa lalim at lawak ng kwento nang hindi nababaling ang atensyon sa
ibang detalye. Kung baga, nahahati sa dalawa lang ang bista ng manonood. Mas
mabibigay ang eksena sa itim at puti, dahil nahahati lamang ito sa pinakapayak
na yunit ng pagtingin, dilim at liwanag. Kung gayon mas kapansinpansin ang
tutok ng pelikula sa mga tuahan at pook na kanilang ginagalawan. Maging ang
tunggalian ay pinasimple rin. Hindi nangangahulugang dahop ang dokumentaryo sa
kulay o sa detalyte. Bagkus sinasagot ng haba at bigat ng oras palabas ang
kulay nito. Dahil sa tiempo ng pelikula na sumasabay sa pinakanatural at
makatotohanang takbo ng buhay sa pook na sinalanta ng Haiyan. Ang babad ng
kamera ay may kinalaman sa tagal ng pagdating ng atensyon o pagpuproseso ng
nakikitang katotohanan. hindi ito sumasabay sa bilis ng teknolohiya sa
kasalukuyan na siyang naghahatid ng ating pakiramdam at nararanasan. Dahil sa
mga eksena, tinampok ang mabigat na karanansan ng mga anak ng unos.
Mararamdaman mo ang bagal ng takbo pagka naghihintay ka sa walang katiyakan.
Kasabay ng mga batang nagiigib sa balong natatabunan ng mga debris gawa ng mga
bapor na pumatag sa kanilang mga kabahayan. Paulitulit, umuulan at nag-iigib
ang mga bata. Gayundin mayroon silang hinahanap na tila hindi nila masumpungan.
Parang isang kwentong pantastiko walang totoong mainam na katapusan. Ang
realidad ay walang happy ending, walang pag-asa. Kahit sa pagkakarne o
pangangahoy sa mga dambuhalang barko na siyang umubos sa kanilang tahanan
natabunan na rin kinabukasan ng mga bata. Ang mga bata ay tila naglalaro lang,
hindi alintana ang bagsik ng bagyo o biglang pagbabago dala nito. Bagamat ang
mga higanteng bakal na nagsisilbing pangwasak at tagapatag ng mga kabahayan sa
tabing dagat, naging palaruan pa ito ng mga bata. Sa unang bahagi ng
dokumentaryo, wala pa sa Leyte o sa probinsya ang baha, nasa syudad pa ng
Marikina o Caloocan ang mga anak ng unos. Mukhang hindi lang mga bata ang
tinutukoy na supling kundi maging ang mga naanod na basura at bahagi ng memorya.
Kinakailangan itong pilian. Kung baga sa bigas ay kailangang tahipan. Para malipad
ng hangin ang ipa at maiwan binayong palay, pang maisaing ang hinugasang bigas.
Ang mga anak ng unos ay mga basurang mina, bagamat tapos na ang unang tomo ay
mayroong pang 14 na kasunod. Kahit pa matapos ang ika-15, may maiiwan pa ring
latak na iniwan ng minahang hindi na kalikasan ang may sala o parusang galing sa
itaas, kundi ng mga tao at korporasyon nais na kumita anuman ang kapalit o
kabayaran kahit pa maulila ang mga batang anak ng unos.
0 comments:
Post a Comment