12 hour train trip
Hindi matagal ang 12 oras sa gabing byahe. Tutulog ka, pagka
gising mo nasa destinasyon ka na. Sa halagang 740 baht makakarating ako sa
Thanaleng station, border ng Laos-Thailand. Sa Hualampong station, pagkatapos
manood maghapon sa Bangkok Arts and Culture Centre, ang tuloy ko. Alas otso
gabi ang alis ng tren, alas otso ng umaga ang dating. Meron itaas na tulugan,
sa ibaba may upuang pandalawahan pero pwede ring baguhin ang pusisyon para
maging higaan. Hindi ko alam, mas mura pala sa itaas kaysa ibaba kasi mas
malamig at nakatutok sa erkon sa itaas. Kumain lang ako ng sinangag at
piniritong karne. Bumili ako ng tubig at tinapay. Set na ako sa 12 oras na
byahe, bukas nasa Laos PDR na ako!
Friendship bridge
Nasa erport pa lang ako sa Suvarnabhumi humingi na ako ng
mga polyeto mula sa Thailand tourism. Bagamat hindi na saklaw nila, binigyan
nila ako ng mapa at impormasyon sa border town ng Thanaleng-Vientiane. Nang
unang beses kami tuawid sa border ng Thailand at Laos, ibang ruta ang dinaanan
namin. Wala din kaming partikular na sadya maliban sa matatakan ang mga
pasaporte namin. Sa Chiang Rai kami dumaan, sumakay ng bangkang de motor para
makarating sa Hua Xai, Laos. Nagpapalit pa kami ng baht para panggastos sa
Laos. Pero sumobra ang kip namin. Pumunta lang kami sa mini bus terminal
papunta sa palengke, kumain ng native na boat noodles at bumalik na rin sa
Chiang Rai. Nagpapalit kami sa pero higit sa libreng kalendaryo, sumobra sap
alit ng baht ang kip naming pabalik.
Mekong sunshine/ don chan palace
Pagdating namin sa Thanaleng, may nakasabay akong ARSA pax,
Canadian visiting researcher sa Chulalongkorn University. Naghihintay kami ng
tren para makatawid sa friendship bridge. Wala pang 15 minuto, nasa Vientiane
na kami. Pumasok kami ng border ng Laos at sumakay ng van papunta sa bayanan ng
Vientiane. Nakapagpabook na ako para sa apat na tao, para sa dean ng SSTEd at 2
sa estudyante sa Mekong Sunshine. $32 ang isang gabi sa hotel, tiniyak kong
tumatanggap sila ng visa kung hindi man ng mastercard. May 2 pick-up station
para makarating sa conference venue ng ARSA: Lao Plaza at Don Chan Palace.
Naghiwalay kami ng Chula visiting researcher sa bayan, naglakad ako at
nagtanong kung asan ang Mekong Sunshine. Walang makapagturo pero nang tinanong
ko san malapit ang Don Chan o Lao Plaza, nasagot agad. Dalawa ata sa pinakamamahaling
hotel sa kapital ng Laos ang isang gabi ay nasa $300-$500. Balik ako sa
paghahanap sa Mekong Sunshine kung saan 10 dobleng mas mababa ang renta.
1 oras na time difference at palitan ng baht, piso, kip at
dolyar
Pagka gipitan ang labanan, kelangan ay gumawa ng paraan.
Unang araw pa lang ay ginalugad ko na ang mga sakayan, ATM at maaaring pasyalan
bago ang simula ng ARSA. Mahirap na nga magisang magbyahe, lalong mahirap pagka
walang iba ang visa mong dala. Lakad ako, pagka pahinga lang saglit, hindi pa
tuyo ang mga damit sa pawis. Ang tip sa akin ay 25,000 kip ang isang araw na
tira sa Mekong Sunshine. Bago maging problema ang pambayad kailangan ay
makawidro ako at makahanap ng ATM na
uobra ang visa o mastercard. Tiningnan kong mabuti ang mag nakapaskil sa
nakatatak sa ATM machine. Nakatatlong subok na ako hanggang makarating ako sa
pinakasentro ng kultura, kaso parehong sarado na, alas kwatro pa lang ng hapon.
Bukas na ng umaga ang maabutan ang mga opisina. Sarado pa ang night market pero
bukas pa ang morning market. Nakahilera ang mga pulang pinto ng ATM. Gumana ang
mastercard ko, 75,000 na agad ang kinuha ko. Umikot sa Talatsao (morning) market,
hinanap ko ang paradahan patungo sa Dongdok village kung asan ang venue ng ARSA
sa National University ng Laos kaso pagabi na, baka hindi ako makabalik. Malapit
nang dumilim, sa relo ko ay 6.30pm. isang oras na huli ang oras sa Laos kahit
pareho sa PIlipinas ang oras sa Thailand, ang 5.30pm ay takipsilim na. nameet
ko naman ang mga objektib ko, makakuha ng pera sa ATM na pangtatlong araw bayad
sa hotel. Makita ang paradahan sa Talatsao. Pauwi, naghahanap ako ng
makakainan. Tumigil ako sa pinakamalapit na grocery bumili ng tubig at tom yun noodles.
Nasa 15,000 na, naisip kong mukhang hindi aabot ng tatlong araaw ang halaga na
winidro ko. Binasa ko uli ang palita sa universal currency exchange, nasa 8,000
kip ang isang US dollar. Kaya kung $32 isang gabi ay nasa 250,000 kip dapat ang
para sa isang araw. Kaya nasa 75 piso ang noodles at isang litrong tubig.
Tumulog ako nang maaga para di gutumin sa gabi, kinabukasan, pilit kong agad
ang Don Chan palace para makalibre ng pamasahe papunta sa venue. Pagkatapos ng
halos 45 minutong paglalakad at pagtatanong ay natanaw ko ang malaking palasyo
sa pampang ng ilog Mekong. Kaso pasado alas otso na, nagtatakbo na ao para
umabot sa hotel transfer papunta sa NUOL. Nakasabay ko ang 2 hapon papunta ARSA
conference, tumitilamsik na ang ulan. Umabot naman ako sa opening, kahit
natrapik at binaha ang daan papunta sa Dongdok village.
Chantasom Guest House
Kinabukasan, mas inagahan ko ng gising kadalasan ay 5.30am ay
gising na ako, aso alas 4.30am pa lang saLaos at madaling araw pa. kaya
nagtimpla na lang ako ng kaping baong, 3-in-1. Tulog pa ang Mekong Sunshine,
ako pa lang ang gising. Masyadong malaki ang kwarto para sa isang tao. Kaya mas
maaga ako lumakad para hindi mahuli sa bus. Maaga naman ako at dumami ang
kasabay, mga Koreano at Hapon namn ang kasabay ko. Kaso pagka gabi, lakad din
ako pauwi sa hotel. Dahil sa kamamadali, hindi na ako nakapagtanongtanong sa
mga nadadaanang hotel, transient, giuest house. Nakakita ako ng $20 sa mismong
katapat ng Don Chan. Kaso naiwan kong kinakargahan ang baterya ng SLR ko. Ang
natipid ko sa bayad at paglalakad ay nabawi rin. Kelang kong magtuktok kahit
ayaw kong gumastos nang sobra sa budget ko. Kaso umuulan na at bumabaha sa daan
kung kaya di na ako nanghinayang. Pikitmata at kahatlabi na lang ako nagbayad
sa tuktok na hindi man lang ako tinulungan magbaba ng gamit. Nagbayad ako gamit
ang mastercard, wala pa ring bisa ang bwakanginang visa ko. Dasal ko lang
umabot pa ako gang matapos ang ARSA conference.
ARSA proxy
Unanga raw pa lang ay okupado na ako, meron sa umaga at
mayroon din sa hapong paglalahad ang estudyante ko. Mayroon din ng pangalawang
araw, kaya mainam ng ikatlong araw ay walang paglalahad kundi sa huling araw na
ang pinakamabigat na skedyul ko, hindi bababa sa apat na beses ako maglalahad.
Pangalawa pa sa huli ang aking sariling papel. Lagari at kayod kabayo ako sa
paghahanda. Naging dakilang proxy ako para mabigyan ng hustisya ang pagod at
gastos ng mga estudyante ko. May time lag talaga ang ideya at pagsasakatuparan
ng mga estudyante. Nagtuturo pa ako ng language at society sa School of Arts
and Sciences. 2nd year pa lang ang mga AB English na estudyante ko
noong ngayon ay graduating na sila. Bilang huling kahingian, pinagpasa ko ng
mga abstrak ang mga estudyante. Hindi lang natuloy ang kauna-unahang pambansang
kumperensya sa Rural Sociology. Pero pinasa ko na rin sa ARSA 5 ang mga
estudyante. Ang ideya ng “Handricraft: a key to success” ay kadugsong ng
bidyong ginawa ko tungkol sa gumagawa ng buntal sa Torrijos at sa mga
kooperatibang bumagsak sa paghahabi.
Day2,ARSA 5
Mas mahaba ang kasasayan ng papel na “scientific basis of
healing in selected communities of Marinduque: gender sensitivity and its
biological and social implications.” Nagsimula sa klase naming sa pagbasa at
pagsulat sa mga BS education hanggang sa pagpaalam ng isang estudyanteng gustong
magdrop, sabi ko huwag. Natapos naman at isa sa mga pinakamataas na nakuhang
marka pagkatapos ng semester. Ang sumunod na semestre naka-dalo ako ng isang
kumperensya tungkol sa relihiyon, paniniwala at pagpapagaling. May nakuha akong
papel tungkol sa mga halamang gamot at relihiyon ng Islam. Pinasa ko sa
estudyante hanggang nakagawa siya ng sariling konsepto. May natapos, inilahad
niya ito sa mga porum na inorganisa ko tungkol sa sa kasarian. Ibang batch ng
mga estudyante ko sa School of Secondary Teacher Edication ay gumawa ng papel
ng “Acceptance: Respect and Tolerance of Homosexuality.” Kasabay ng huling
depensa ng estudyante ang kasunod. Maganda ang feedback, bagamat hindi nailahad
ang ikalawa kagaya ng una, nakarating sa ika-38 na Pambansang Kumperensya sa
Nueva Caceres, ang kasunod na papel ay panimulang pag-aaral sa maraming
pangako. Yun nga lang hindi sila nakadating para sila mismo ang naglahad ng
papel nila.
0 comments:
Post a Comment