END:CIV

Join The Network

Search

Monday, July 14, 2014

ANG SUSPENSYON NG VAT AY ISANG KONGKRETONG TUGON SA ISYU NG PORK BARREL.

Hindi ako tutol sa pagdidiin at pagpaparusa sa mga sangkot sa kaso ng pork barrel scam subalit sa aking abang pagtingin tayong maliit at mahihirap ay walang direktang pakinabang kung mabibilanggo man ang mga senador at iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan sa iskandalong ito. Lalo lang tayong nalilinlang at nalilibang sa dramang ito na paulit-ulit at pamilyar na sa atin.
Ang pork barrel scam ay isyu ng pagnanakaw ng salapi na ang isa sa pangunahing pinagmumulan ay buwis na pinipiga mula sa malawak na bilang ng tao.
Ayon sa Federation of Philippine Industries (FPI) na bumatay sa ulat ng International Monetary Fund (IMF) ang kabuuang eksport sa Pilipinas sa pagitan ng 2002 at 2007 ay nagkakahalaga ng 284.7 bilyong dolyar subalit ang ulat ng Bureau of Customs ay 195.01 bilyong dolyar lang.
Nitong nakaraan lang ay naiulat ang pagkawala ng 600 container na naglalaman ng mga produktong dapat buwisan mula sa Manila International Container Port patungong piyer ng Batangas. Ang pamahalaan ay nakupitan ng 230 milyong piso sa anomlayang ito. Ayon sa ilang mambabatas ay karamihan sa mga iligal na produkto ay napunta sa Puregold na pag-aari ng negosyanteng si Lucio Co.
Ayon naman sa Swine Development Council (SDC), (paumanhin sa mga kasamang vegetarian kagaya ng Maharlika, Krshna at mga indibidwal na hindi nagkokonsumo ng anumang hayup o parte nito) mula sa datos ng United Nations Commodity Trade Statistics, noong 2011, ang Canada ay nag-eksport ng 29.69 milyong kilo ng pork belly subalit ang record ng Pilipinas ay 13.99 milyong kilo lang. dagadag pa ng SDC na ayon sa datus ng UN Comtrade, ang Canada ay nag-eksport ng 3.28 milyong kilo ng pork opal (mababang uri ng parte ng hayup kagaya ng mga lamang –loob) ngunit ang ulat ng Pilipinas ay 12.8 milyong kilo). Ang pork belly ay may taripang 40 porsyento, habang ang pork opal ang may 5 poryentong taripa lang. Malinaw na pumapasok ang pork belly sa taripang pang pork opal.
Sa pagtaya ang pamahalaan ay nawawalan (forgone revenues)ng 90 bilyong hanggang 200 bilyong pisong. Ang halagang ito ay makakatulong ng malaki sa pagpapaunlad at pagdadag ng mga pasilidad para sa panlipunang serbiyo sa edukasyon, kalusugan, pabahay at iba pa.
Lumalabas na ang malalaking negosyante bukod sa iligal na paraan, ang mga dayuhang korporasyon at malalaking lokal na negosyo binibigyan naman ng gobyerno ng tax holiday, habang patuloy ang singil ng buwis sa karaniwang tao na siya namang pinapamudmod sa mga mambabatas bilang pork barrel.
Kahapon ay nakipagkwentuhan sa taxi driver na naghatid sa amin sa isang pulong. Ayon sa kanya, sa isang araw ay may 500 VAT siyang binabayaran sa pagbili niya ng gasolina, magkano kaya ang sa mga jeepney driver? Magkano kaya ang VAT na binabayaran ng bawat pamilyang mahihirap sa kanilang mga batayang pangangailangan?
MUNGKAHI:
Kalabisan bang hilingin na suspendehin VAT? Ang tagal ng suspension ay nakabatay sa kakayahan ng gobyerno na sugpuin ang smuggling at iba pang nabanggit na pandaraya. Kung sa tingin ng gobyerno ay masusugpo niya sa loob ng 10 taon, samptung taon din na suspendido ang VAT. NATURAL MAS OK KUNG WALANG VAT.

0 comments:

Post a Comment