END:CIV

Join The Network

Search

Monday, June 30, 2014

Ipasa na ang People’s FOI Bill ngayon!

EKSAKTONG 24 na buwan, magtatapos ang termino ng Administrasyong Aquino na naluklok sa poder batay sa "Social Contract” nito sa mga mamayang Pilipino. Ang panawagan nito: “Kung walang corrupt, walang mahirap.” Ang tunguhin nito: Daang Matuwid.

Ngunit ngayon, madalang nang marinig ang ganitong mga salita mula sa ating mga lider. Ito ay kahit man sa dapithapon ng Administrayong Aquino, lalo pang umigting ang disgusto ng mga tao sa tila walang humpay na korapsyon, at sa pagsulong ng ekonomiya na tila hindi lubos maramdaman ng mga mahihirap.

Kailan lang, naharap sa kasong plunder at graft ang ilang senador at mambabatas na mula sa hanay ng oposisyon dahil diumano’y nagkamkam sila ng pork barrel. Ilan pang alyado ng Administrasyon ang naiugnay din sa parehong akusasyon pero tila matamlay at mabagal ang pag-imbestiga at pagtugis sa kanila.

Ano ang mali sa kwentong ito? May missing link: isang Freedom Information Act na magsisiguro na lahat ng maysala, kaalyado o karibal man ng Administrasyon, ay mapaparusahan.

Ang mga kaso, magkasabay na tunggalian sa korte at tunggalian sa pulitika.Pero dahil mabagal usad ng gulong ng katarungan, nakababahala na ang paglilitis ng mga kaso, lalagpas sa termino ng Administrasyong Aquino, at tatawid pa sa susunod na halalan.

Magsalikop o magsalpukan man ang interes ng mga akusado at nag-aakusa sa Mayo 2016, ang labas sa pulitika at pangunahing interes na dapat itaguyod ay ang karapatan ng mgamamamayan na malaman ang buong katotohanan, at usigin sinuman at lahat ng nagkamkam ng buwis ng bayan.

Sa simula pa lang, ayon sa Administrayong Aquino, dapat masawata ang korapsyon upang masawata ang kaiharapan. Nuon pa man, malinaw sa lahat na ang FOI law ay pwedeng magsilibing giya at pundasyon ng mga reporma nito.

Ang FOI law ay magtatakda ng klarong proseso at sapat na limitasyon sa mga request ng mamamayan na makakuha ng impormasyon at dokumentong nasa kustodiya ng mga opisyal at ahensyang gobyerno.

Ito ang tunay ng FOI law – nababatay sa karapatan ng mga mamamayan na humingi at makakuha ng impormasyonmula sa gobyerno, anumang ahensiya at kailan man nila nais. Hindi sapat ang kusang paglabas sa Internet ng iilang dokumento, at tanging iyon lamang gustong ilabas ng gobyerno, tulad ng ginagawa ngayon ng Administrasyong Aquino.

Sa buong mundo, lagpas isandaang bansa na angnagsabatas ng FOI. Ipinagtibay nila na ang right to information ay pundasyon at trigger ng halos lahat ng ibang pang karapatan ng mga tao – karapatan sa edukasyon, kalusugan, trabaho, pag-aari, seguridad, at pati na karapatan mabuhay at maging masaya.

Sa Pilipinas, halos lahat ng sektor ay nanindigan na para sa FOI. Kabilang ang mga mag-aaral, manggagawa, informal settlers, propesyonal, mga guro, mga negosyante, mga taong simbahan, mga mamamayag at bloggers, donor agencies, at NGOs.

Ang online at onsite na petisyon sa www.change.org/TayoNaParaSaFOI na naghihikayat kay Pangulong Aquino at Speaker Feliciano Belmonte Jr. na umaksyon na sa FOI, lagpas sampung libo na ang pumirma, at kada araw, lalo pang dumarami.

Ang FOI ay batas na 27 taon nang overdue. Matibay ang garantiya sa1987 Constitution sa ating karapatangmakakuha ng impormasyon, at sa isang gobyernong bukas. Itinakda rin sa Konstitusyon na tungkulin ng Kongreso na magsabatas ng FOI law upang maipatupad ng lubos ang mga patakarang ito.

Ngunit limang Pangulo at siyam na Kongreso makalipas, pangarap pa rin ang FOI. Marami ang nagtataka kung bakit ang mahalagang batas na ito ay natulog at nakaligtaan sa ilalim ng Administrasyong layon daw tumahak sa Daang Matuwid.

Malinaw na kung gugustuhin, may kakayanan ang AdministrasyongAquino na makakuha ng boto sa Senado at House of Representatives para magpasa ng mga batas na nais nito. Ang Sin Tax Law at Responsible Parenthood Act ay dalawang halimbawa. Walang duda, kaya ng Administrasyon, kung nais nito, na gawin itong muli para sa FOI.

Sa Senado, sa pagsulong ni Sen. Grace Poe, pinuno ng Committee on Public Information, pumasa na ang FOI bill sa third at final reading nuon pang Dusyembre 2013. Sa House of Representatives, ang pinuno ng Committee on Public Information, si Rep. Jorge Almonte, ay nangako nang bago matapos ang 2014, maipapasa na sa komite niya ang FOI bill ng kamara.

Ang sunod na dapat mangyari, ang huli at magpagpasyang aksyon, ay nasa kamay ni Pangulong Aquino at Speaker Belmonte.

Labas sa interes ng mga partido sa pulitika, dapat sabay na tahakin ng mga lider at mamamayanang Daang Matuwid,sa ilalim ng liwanag ng Freedom of Information Act, kung tunay nating naismasawata ang korapsyon at kahirapan.


Ipasa na ang People's FOI bill ngayon!

0 comments:

Post a Comment