END:CIV

Join The Network

Search

Tuesday, April 8, 2014

Maala-Ala Mo Sana ni Mary Sharmine Sager

 Minsan ang kahalagahan ng isang bagay o tao ay makikita lamang kapag huli na…

                May isang pamilya, kumbaga’y maaari nang maihalintulad sa manok na “isang kahig, isang tuka”.

                Si manong ben, ang nagsisilbing haligi ng tahanan na siayng bumubuhay sa kaisa- isang supling at lumping asawa na si Mira.

                Sa gabi’y pagbabalot aang pinagkakaabalahan ni Ben at sa umaga nama’y pinag- iigib niya ang mga kapitbahay sa presyong tatlong piso kada timba. Sa pamamagitan nito, napagtapos niya ang anak na si Nina sa kolehiyo.

                Mula pagkabata hanggang pagtanda’y nakagawian nan i Ben ang pagsilip kay nina sa silid upang tiyaking kung nakukumutang maigi, kung hindi napapasok ng lamok, at kung hindi natatamaan ng liwanag ng buwan o kung naisuot nito ang kanyang padya- ma. Ganito na lamang ang pagmamahal na binubuhos ng ama sa anak.

                Isang umaga, naalimpungatan si Ben sa isang malakas na bulahaw ni nina. Nabigla na lang siya nang Makita ang asawa na wala ng buhay. Halos, ilang lingo silang nagda- lamhati sa nangyaring iyon.

                Makalipas ang ilang araw matapos ito, nagdesido si nina na lumuwas ng manila upang magtrabaho at doo’y kanyang nakilala ang lalaking mapapangasawa na si Carlo.

                Mga ilang buwan pa ang nakalilipas siya’y nagdalang tao na ngunit hindi man lang ni- ya inaalala ang naiwang ama sa probinsya. Kahit halos mapuno na ang isang kahon ng sulat galing sa ama patuloy pa rin itong binabalewala ni Nina. Si nina ay isang babaeng walang pakiramdam kahit mula pagkabata, hindi niya naakikita ang ginagawang paghihirap ng ama para sa kanya. Siya pa ang may sama ng loob sa ama at ina dahil sa pinanganak daw siyang mahirap. Sunod sa luho si nina, la- hat hinihingi kahit imposible nang maibigay ng ama.

                Isang araw, araw kung saan dumating na ang pinakamasaklap sa buhay ni nina. Nahuli niya ang asawa na nakikipagtalik sa kanyang matalik na kaibigan. At matapos iyon, agad siyang umuwi sa probin- sya upang itago aang anak.

                Habang naglalakad papalapit sa pintuan, nakita niya ang kanyang amang nakalugmok sa lupa habang hawak-hawak ang isang pira- song papel.

                “Anak, kamusta ka na dyan sa maynila? Sana okay ka lang. nakakatulog ka ban g maayos dyan? Naalala ko pa nga, noong bata ka pa lang, hindi ka ma- katulog hangga’t di mo napapakinggan himig ni tatay. O baka naman di ka nakakakain ng maayos dyan? Alam mo naman ang tatay ayaw na nana- gugutom ang maganda kong anak.

                Kahit naman di mo balikan ang sulat na to, alam ko naman marami kang gina- gawa dyan. Saka importante, hindi ka nakakalimutan ng tatay kahit malayo ka pa.

                Uwi ka ditto kapag namimis mo na ang tatay ha…mahal na mahal kita. Alagaan mo sarili mo dyan”

                Matapos ang liham na ito, napayakap ng mahigpit si nina sa ama at nagsisisi sa mga nasayang na panahon na dapat ginugol para sa ama. 

0 comments:

Post a Comment