hernel mampusti
bs ed 2 music/mapeh
Ako’y namulat sa lupang hinirang
Na dumaan sa madaming karimlan
Hinamak ng pagsubok mula sa mananakop
Nakipagsapalaran hanggang sa masupil ang kalaban
Ngayon na nga’y naging malaya
Dala-dala ang sariling wika
Pamana ng ating mga bayaning dakila
Na ipinagtanggol mula sa mga banyaga
Wikang kinagisnan mula pa noong una
Ating pagyabungin hasain, ipagmalaki
Hindi lang sa ikauunlad ng ating sarili
Kundi para na rin sa ating bayang sinilangan
Ngayon nga’y kasalukuyang ginagagamit
Ngunit bakit tila’y meroon nang bahid
Nang mga salitang walang katuturan
Mga salitang walang pinatutunguhan
Ating huwag kalimutan at palaging itatak sa isipan
Wika ay nagiging mas makabuluhan
Kung nilalapatan ng salitang makatuturan
Nang maging mainam ang pakikipagtalastasan
bs ed 2 music/mapeh
Ako’y namulat sa lupang hinirang
Na dumaan sa madaming karimlan
Hinamak ng pagsubok mula sa mananakop
Nakipagsapalaran hanggang sa masupil ang kalaban
Ngayon na nga’y naging malaya
Dala-dala ang sariling wika
Pamana ng ating mga bayaning dakila
Na ipinagtanggol mula sa mga banyaga
Wikang kinagisnan mula pa noong una
Ating pagyabungin hasain, ipagmalaki
Hindi lang sa ikauunlad ng ating sarili
Kundi para na rin sa ating bayang sinilangan
Ngayon nga’y kasalukuyang ginagagamit
Ngunit bakit tila’y meroon nang bahid
Nang mga salitang walang katuturan
Mga salitang walang pinatutunguhan
Ating huwag kalimutan at palaging itatak sa isipan
Wika ay nagiging mas makabuluhan
Kung nilalapatan ng salitang makatuturan
Nang maging mainam ang pakikipagtalastasan
0 comments:
Post a Comment