Marami
sa ating kapwa Pilipino ay nangingibang bansa upang suportahan ang mga
pangangailangan ng kani-kanilang pamilya. Ngunit bakit karamihan rin sa kanila
ay napapasok sa tinatawag na “3-D JOBS”
na kung saan ito ay “masama, mahirap at
mapanganib”? Ito nga ba’y kanilang kamalian na nagdudulot sa kapahamakan o
ang kakulangan ng ating Gobyerno na kung saan sila ay isa sa mayroong
responsibilidad sa mga Pilipino na nangingibang bansa?
Sila
ay natatanggap bilang isang kasambahay, pangkalusugang propesyon, trabahador,
Pinoy Seaman at eksperto sa mga teknikal na Gawain. At ang tanging dahilan ay
para sa kanilang pamilya o pwede rin para sa kanilang mga kamag-anak at para sa
edukasyon ng kanilang mga anak. Minsan, dahil rin sa kawalan ng trabaho o
pagkakakitaan sa kanilang lokal na rehiyon. Ginagawa nila ito upang matustusan
ang kanilang mga mahal sa buhay at karamihan sa kanila ay biktima ng karapatang
pantao. Iba sa kanila, inaabuso ng mga amo tulad na lamang ng isang babae na
dumaranas ng sekswal na karahasan. Sila rin ay dumaranas ng hindi tamang
trabaho, sobrang oras, at mababang sahod, kahit na ang pagpapatapon sa mga ilegal
na nangingibang bansa.
Mayroon mga organisasyon o piling grupo na dumadaing
sa pamamahala ng ating Gobyerno dahil para sa kanila, ang ating gobyerno ay
kulang sa tama, maayos at sapat na impormasyon tungkol sa mga pilipinong
nangingibang bansa. Sa kabila nito, sila ay nangangako na mas lalo pa nilang
susubaybayan ang mga ito at bilang isa sa may responsibilidad, ito ay kanilang
tungkulin na protektahan ang karapatan at kapakanan ng bawat pilipinong nangingibang bansa kalakip na rin
ang mga pamilya nito. -
Mary Sharmine Sager
BA- Communication IIIA
0 comments:
Post a Comment