END:CIV

Join The Network

Search

Wednesday, July 31, 2013

Hindi pa patay ang OPM!

Sina Rico Blanco at Ogie Alcasid ay ilan lamang sa mga musikerong Filipino na maituturing natin na sariling atin. Sinusuportahan nila ang OPM dahil mahal nila ang kanilang ginagawa at ito ay ang paglikha ng mga bagong kanta. Ngunit ang nangyayari sa panahon ngayon ay naiimpluwensyahan na tayo ng ibang mga bansa at makikita ito sa mga pagtatanghal n gating mga mang-aawit. Ibig bang sabihin nito ay patay na ang OPM?
Ang midya ay isa lamang sa mga dahilan kung bakit tuluyang namamatay ang OPM. Kung wala ang suporta nito, maaaring lamunin tayo ng mga banyaga. Ngayon, mas nabibigyang pansin ang mga kanta ng banyaga kesa sariling atin. Samakatuwid, sinisira na nito ang ating industriya. Walang ipinapakitang suporta ang gobyerno dito kaya nalulugi na ang mga kompanya at nawawalan na ng kita ang mga artistang nasa ilalim nito.
Nag-iba na rin ang ayos nito; maari na itong mabili online, Kayang magpakilala ng mga banda at kanta gamit ang internet. Ngunit kaya nitong sirain ang karera ng isang musikero at kita dahil sa mga libre at hindi kinikilalang album o yung tinatawag na pirata. Kinakaharap din natin ngayon ang mga copyright at file-sharing issues na galing sa internet.
Ito ay ilan lamang sa kinakaharap na problema n gating Industriya ng musika ngayon. Kailangan nila ng tulong nating lahat. Nasa sa atin na ito at sa gobyerno kung poprotektahan at susuportahan nila ito. At para mabuhay muli ang OPM kailangan natin itong suportahan sa abot n gating makakaya.

Syd March MIraflor.   BA Comm 3A                                                                                                  

0 comments:

Post a Comment