“Masiglang
mamamayan, bunga ay Maunlad na Bayan”. Isang simpleng linya ng isang Karaniwang mamamayan na may
malalim na pagpapakahulugan sa bawat bagay at gawi. Isang linyang nais ko
sanang tumatak sa isipan ng mga mambabasa, upang magbigay kaalaman sa kanila sa
mga bagay na maaari nilang isagawa para sa pagbabago.
Naiisip
nyo ba ang Magiging bagong mukha ng Marinduque sa taong 2020? Marahil marami sa
atin ang nakabuo ng mga kaisipan at mga pangyayari sa ating isipan na maaaring
maging bagong Marinduque sa 2020.
Isang
malaking hamon para sa ating mga Marinduqueño kung paano pa natin
mappaunlad an gating bayan sa
kasalukuyan panahon natin ngayon kapansin pansin ang mangilan-ngilan ng mga
establisyamento o mga gusali ang isa-isa ng inaayos at binabago ang ilan ay
inililipat na ng lugar. Mainam ito upang magkaroon na tayo ng maayos na
serbisyo para sa mga mamamayan dahil din ito mas mapapadali ang mga
serbisyo ng pamahalaan para sa atin .
Patunay sa mga gusaling inaayos na ay an gating Provincial Hospital. Sa aking nakikita kaunting panahon na lamang
ay maaayos na ito. Sana naman pag ito ay naayos na,hindi lamang ang gusali ang
maganda, nawa ay maganda narin ang kanilang serbisyo.
Hindi
naman kase tayo bingi sa mga pahayag na an gating Hospital daw ay maituturing
na Slaughter House. Ipinapasok ay patay, inilalabas ay patay. Sana matigil na
ang masasamang imahe ng Hospital natin at mapalitan ito ng magandang
imahe.Pagnagkaganun, hindi na kailangan lumuwas ng mga tao patungo sa kalapit
na lalawigan para doon magpagamot. Mababawasan ang gastusin. Sana ay magpatuloy
ang mga ganitong Gawain para sa lalong ikauunlad n gating bayan.
Ang
imaheng nakikita ko na magiging bagong Marinduquesa taong 2020 ay isang
maunlad,masagana at maayos na Lalawigan ng Marinduque. Puno ng buhay at
pag-asa. - Clarissa Oracion
Midwifery
0 comments:
Post a Comment