END:CIV

Join The Network

Search

Thursday, July 19, 2012

SARILING MUSIKA AT ANG PAGPAPALAGANAP NITO


Sa pang araw araw nating buhay marami tayong napapakinggang tunog . At kung susuriin natin ito ay isang uri ng musika. Musika o mga nakaayos na tunog. Masasabi nating musika ang isang tunog kung meron itong tamang ritmo at bilis lakas o hina at iba pa. Ang musika ay isang sangkap sa ating pang araw-araw na buhay. Ang kahalagahan ng musika ay nakadepende kung pano natin ito gamitin o kung paano nito nabibigyang halaga ang ating buhay.

Karamihan sa mga tao ngayon ay nalilimutan na ang mga musikang kinamulatan n gating mga ninuno. Mapapansin nating karamihan sa mga kabataan ngayon ang namulat sa ibat ibang uri ng musika, musikang patungkol sa pag ibig, kasawian, mayroon ding musikang may halong pambabastos at mapapansin din na karamihan sa mga kabataan n gating bansa ngayon ang tumtangkilik sa musika ng ibang bansa marahil bunga ito ng pag sibol ng makabagong teknolohiya at habangtumatagal ang sitwasyong ito ay napapag iwanan na ng ilan sa atin na tangkilikin ang sariling nating musika. At ikinawawalang bahala.

Kung ating mapapansin sa mga kompitisyon sa ibang bansa at meron silang mga pyesang tagalog, o pyesa ng ating bansa, napapansin ba ninyo o naitatanong ba ninyo sa inyong sarili kung bakit napaka klaro ng pagbigkas nila sa mga liriko ng kanta katulad ng kantang “bahay kubo” Iyon ay dahil sa pinag aaralan nila itong mabuti. Ngunit kapag kinanta na ng mga mamamayan ng ating bansa bakit napakahirap para sa atin na ibigkas ito samantalang hindi na natin ito kailangang pang pag aralan. Dahil ba nawawalan na tayo ng gana sa sarili nating musika at iniisip na mas mabuti ang sa ibang bansa?

Paano natin maibabalik ang ating masaganang sariling musika? Ito aymagsisimula sa ating sarili.Maraming bagay ang pwede nating gawin upang mapanatili at maipagmalaki natin ang musikang nagbigay ng pangalan at karangalan sa ating bansa bilang isang Pilipino

Sagana sa musika ang Pilipinas. Bagaman hindi tayo ang unang nakadiskubre ng musika kundi ang bansang Italya. Masasasabi pa rin nating sagana tayo sa musika. Marami din tayong mga talentadong Musikero na nagbibigay ng karangalan sa ating bansa. At ang kulang lang ay kung pano natin ito palalaganapin at ipagmamalaki.

GAWAIN

ORAS/ARAW

LAYUNIN

Music Familiarization Seminar

Hulyo 21, 2012

Sabado

8:30 – 11:30

Upang maging pamilyar sa tunog ng iba’t ibang instrument.

Choral Practice

Tuwing

Lunes Martes Huwebes at Byernes

4:30 - 5:30

Upang maensayo ang mga kantang kundiman at iba pang awit na gawa ng musikero mula sa Pilipinas

Kalutang Workshop

Hulyo 21, 2012

Sabado

8:00 - 5:00

Upang maging pamilyar kung paano tugtugin ang instrumentong kalutang na nagmula sa Probinsya ng Marinduque.

Film Showing

Agosto 4, 2012

Upang malaman kung pano pahalagahan ang musika.

Pagiging pamilyar sa musika na pamumunuan ni Ginoong Jerome Chino Leico (Mogpog Marching Band Conductor) Kasama sa gawaing ito ito ang mga estudyante ng Music Education. Sa nasabing gawain tinatayang gagastos ng P50.00 ang bawat estudyante at makakatanggap din sila ng sertipiko na may lagda ni G. Leico.

Ang pag ensayo ng mga pyesa ng manunulat nating mga Pilipino ay ginaganap tuwing alas 4:30 hanggang 5:30 hapon. Sa pamumuno ng propesor na si prof. Rex Emmanuel Asuncion. Ang mga kasapi sa ensayo ay ang mga estudyante ng Music Education.

“Kalutang” ang instrumentong naimbento ng mga kababayan nating Marindukenyo. Ang mga manunugtog ng instrumentong ito ay matatagpuan sa Gasan,Marinduque. Ang nasabing Workshop ay gaganapin sa Marinduque Provincial Library tuwing Sabado. Ang workshop na ito ay libre para sa estudyante ng Music education at MAPHE mula sa ikalawa hanggang sa ikaapat na taon.

Film Showing ito ay gaganapin sa MSC research park sa Agosto 4, 2012 sa pamumuno ni prof. Rex Emannuel Asuncion. Para sa mga estudyante ng Music Education. Tinatayang gagastos ng P20.00 ang bawat estudyante.

0 comments:

Post a Comment