END:CIV

Join The Network

Search

Wednesday, July 18, 2012

Mga salik sa pagtaas ng bilang ng mga kabataang hindi nakakapag-aral sa Brgy.III, Pob. B’vista, M’duque

May mungkahi : Ms, Sheryl F. Seco

CP No. 09095803800

Brgy. III Pob. B’vista, M’duque


Marami ang nag sasabi “ Ang Kabataan Ang Pag-asa ng Bayan” at yan ay ayon nadin kay Dr. Jose Rizal. Ngunit masasabi mo ban a pag-asa ng bayan ang kabataang ni hindi manlang nakakapag aral? O ni hindi manlang nakapagtapos ng pag-aaral kahit na hanggang secondary lang?

Sa aming Barangay sa Buenavista, marami akong nakikita na mga kabataan na tambay lang. sa katunayan may kaibigan nga akona hindi nakakapag-aral. Maraming kabataan ang nagnanais na makapagaral ngunit hindi lahat pinapalad na makamit ito. Naitanung ko tuloy sa sarili ko bakit ba nangyayari ang mga ito?

Sa pagkakaalam ko bilang isang kabataan ay may karapatan ako na makapag aral. Iyan ay base nadin sa napapagaralan naming sa skwelahan. Kayat mahalaga na ang mga bata at kabataan ay makapag aral upang lumawak ang mga kaalaman, makatuto ng mga bagay na dapat nating malaman bilang isang tao. Kaya’t iyan lang ang tanging paraan upang masabi na ang kabataan ang pag-asa ng bayan.

Mga Aktibidades:

Unang lingo - Mag i-interbyo sa mga bata, kabataan at mga magulang upang makakuha ng ideya na maaaring maitanung sa survey form o questionnaires form na ipapamigay.

Ikalawang Lingo - Gagawa ng questionnaires form base sa mga nakalap na impormasyon upang maipamigay sa mga responde upang masagutan.

Ikatlong Lingo - Mangungulekta ng mga form na naipamigay upang mapag-aralan, makuha ang mga ideya na kailangan upang makagawa ng burador.

Ika-apat na Lingo - Magsaa-ayos at mag rerebisa ng mga ideya upang makagawa na ng pinale.

Mga batis:

Ang mga batis na maaari kung pagkuhanan ng mga impormasyong kinakailangan sa pag-aaral ay ay ang sumusunod: research on internet, books and interview on my respondece in my study.

0 comments:

Post a Comment