“Hindi lamang tao ang organismong nangangailangan ng kalayaan at may karapatang mabuhay ng payapa sa mundo. Bagaman ang mga hayop ay hindi kasing talino ng tao, hindi maitatatwang may pakiramdam at emosyon din sila.”
‘Mga Sunoy’ kung tawagin ng mga taga- Bisaya ang mga manok o tandang at ‘sabong’ naman ang tawag ng mga Pilipino partikular na ng mga Cebuano, sa laban ng manok.
Ang pagsasabong ay isang madugong laban sa pagitan ng dalawang manok o tandang na kung saan pumupusta ang mananabobg o maging ang mga manunuod sa alinman sa dalawang manok na sa tingin nila ay mananalo. Maraming mga Pilipino ang nahuhumaling at nauuwi sa pagkalulong sa sabong.
Maging dito sa Marinduque, laganap din ang sabungan na mas madalas pang dayuhin ng mga tao kaysa simbahan.
Noong panahon ng dating presidenteng Ferdinand Marcos, nagpanukala siya ng batas ukol sa pagiging ligal ng pagsasabong mula sa kanyang “Cockfighting Law of 1974 o Presidential Decree No.449”, na nagsasad na ang pagsasabong ay isang papyular, tradisyunal at isang anyo ng libangan ng mga Pilipino. Ayon pa dito, hindi daw dapat tanggalin ang pagsasabong sa Pilipinas sapagkat ito ay likas na kulturang Pilipino at nagsisilbing pagkakakilanlan n gating nasyunalidad. Nakakahikayat din daw ito ng mga turistana sinasabing nakadaragdagsa ikauunlad ng ekonomiya ng Pilipinas.
Ngunit Masaya pa ba tayo na ang nagiging konotasyon at pagkakakilanlan sa atin ay “tahanan ng sabungan”? Gayundin, isinasama natin sa ating kultura ang pagsasabong bilang sariling atin at tinagurian pang Pambansang Isport. Marami pa naman tayong pagkakakilanlan bilang Pilipino na mas maganda. Maaari pang makaahon ang isang nasyon pero hindi sa paraang pananabik na makita ang hayop na nagpapatayan para lamang sa pansarili o makataong kasiyahan. Isa nga itong parte ng ating nakaraan o kasaysayan pero hindi dapat ilagay sa ganoong kababang lebel para lamang makilala. Paano pa kaya tayo babansagan sa ganitong kalupitan?
Bukod sa isang huwad na kultura, nagdurusa rin ang mga manok sa kamay ng makasariling tao na gagawin ang lahat, maging ang paghiwa sa likod ng paa ng manok at palitan ng tarik. Nakararanas ang mg ahayop na ito ng kalupitan at pangaabuso, kaya nga’t ang tanging paraan na lamang nila para makaalis sa ganitong sistema ay ang manalo- o mamatay.
Oo nga’t kumakain tayo ng karne ng manok at isa rin itong kalapastangan pero alam natin na hindi lahat ng tao ay maaaring maging bedyitaryan, sapagkat noong una pa manag panahon, isa ang karne sa pagkain ng mga tao. Ang punto lamang dito, ang pagpapasubong natin upang maglaban ang 2 hayop para lamang may pagkatuwaan at sa paraang sugal ay hindi magandang gawi at imahe. Ano din ang madarama natin kung tayo ay puwersahing lumaban tulad nila?
Nilalayon ng Research proposal na ito na ipabatid sa bawat Marindukanon ang kulturang huwad na ipinapakita ng pagsasabong at ang bakutot na pagtrato natin sa mga hayop at upang mabigya ng boses ang tulad nilang hindi maipagtanggol ang karapatan dahil tulad nga ng sabi ni Mhatma Gandhi,”the greatness of a nation and its moral progress can be judged by the way its animals are treated”.
ACTIVITY | OBJECTIVE | TIMEFRAME | MATERIALS | PERSONS INVOLVED | FUND |
Survey | Upang mamalamn kung ano ang pananaw ng tao tungkol sa pagsasabong at kung bakit sila nagsasabong | July 23- Aug.13 | Survey sheet | Mga tao sa komunidad at eskuwela | 500 pesos |
Symposium | Upang maipabatid sa mga tao ang kahalagahan ng manok, kanilang karapatan at masamang epekto ng sabong | Aug.17- Aug.28 | Ppt. presentation and hand outs | Mga estudyante at tao sa komunidad | 5000 pesos |
Posting of slogans and flyers | Upang mas kumbinsihin ang mga tao ukol sa paksa | To be determined | Mag materyales sa pagawa tulad ng kartolina etc. | 3000pesos | |
Matrix ng aktibidad
References:
http://savethecocks.com/Save the Cocks/ Why Rescue a Rooster.html
http://wiki.answers.com/Q/
http://www.peta.org/issues/
Matanglawin book 7 “Hayop Talaga” pp.32
0 comments:
Post a Comment