Walang rape sa bontok!?
Sa simula pa lang, higit sa intrigang mayroon bang lugar na
walang rape? Tampok ang matapang na naratibo ng mga rape survivor. Tila
investigative documentary, kasama sa naratibo ang mga personal na isyu ng
gumagawa ng dokumentaryo. Hindi hiwalay o tiwalag ang personal na naratibo,
parehong narape ang manunulat at research assistant. Nais nilang i-validate ang
panimula sa librong Sagada Reader ni William Henry Scott, isang historyador na
tumutok sa Mt. Province. Pinuntahan nila ang antropolohistang nagsulat ng
panimula sa libro ni Scott. Bagamat hindi ito nagpaunlak ng on-cam interview,
substantive ang kanyang paliwanwag, walang konseptong katutubo sa komunidad ng
Bontok na katumbas ng rape. Kung walang salita para dito, hindi nangangahulugang
wala talaga ito o hindi nangyayari sa readliad. Ito ang premise ng dokyu, at
pinalalim ang imbestigasyon sa pamamagitan ng intebryu mga dokumento mula sa
opisyal at impormal na sorses/batis. Maging ang katipan ng dokumentarista ay
kasama sa naratibo, sa simula mapapansin ang mga taboo at norms sa katutubong Bontok
(tao, lipunan).
Mainam ang visual metaphor, hindi umasa sa mga info
graphics, animation o special effects. Inisa-isa sa dokyu ang argumento kung
bakit walang rape sa Bontoc (lugar)? Mas tumpak pa ngang sabihin na imbis na
wala kundi anu-ano ang salik ang nakakaapekto sa lipunang Bontok na tinuturing
na rapeless. Unang salik ang moral at ispiritwal na paniniwala. Isa ang Bontoc
sa mga lugar na hindi nakubkob ng kolonyalismo. Ngunit sa huling dalawa o
tatlong deakda ay pinasok na ng modernidad ang Mt. Province. Kung ang tradisyunal
at katutubong kulturang Bontok ay isang sisidlan ng bigas at ang rape ay isang
tiwalag na prutas na gugulong papasok sa tulong inclined plane. Madali ito
pasukin ng rape kung walang mga salika tulad ng moral at ispiritwal na
paniniwala. Sa panahong wala pang relihiyon, personal ang relasyon ng tao sa
kanyang kapaligiran. Ang praktika ng tama at mali ay nakabatay sa mag batas ng
kalikasan, hindi sa doktrina, utos o authoridad.
Ang kasunod na salik ay ang pisikal na istruktura. Mainam na
naipakita at naipaliwanag sa dokyu ang hitsura ng tradisyunal na bahay sa Bontoc.
Nakapisan ang mga lalaki at babae pagka nasa edad na sila ng pagbibinata at
pagdadalaga. May hiwalay na lugar sa mag binate at dalaga, kung kaya ang
pribado at mabilis na ligawan sa ngayon ay publiko at mabagal pa noong una.
Kolektibo ang tulugan at panliligaw. Bagamat maaaring matulog magkatabi ang mga
lalaki at babae, dahil kolektibo nga at sama-sama, kung may gagalaw at
gagalawin ay tiyak na hindi ito mananatiling sikreto. Sa panahong, hinid pa
malalaki ang bahay ng mga Bontok, talagang bumubukod na ang mga anak sa
magulang pagsapit ng tamang panahon. Dahil walang simabhan, eskwelahan at
husgado ang mga ato ang nagsisilbing panlipunang institusyon upang tiyakin ang
pagdaloy ng tradisyon. Gayundin ang mga ulog ay lugar para sa paghahanda sa
buhay magasawa at pamilya.
Ang pangatlong sagka ay ang “tribal wat” ayon sa dokyu ay
mas akmang tawaging ito intervillage wars. Sapagkat Bontok sa Bontok madalas ang laban at hindi laging mula sa
ibang ethnoliguistikong grupo. Mga lalaki lang ang nakikilahok sa digmaan.
Sapagkat ang mag babae lang ang maaari magtanim at magdalang tao. Kaya
naman mataas ang balor ng mga babae sa gera,
hindi sila maaaring mawala, mabawasan o mapaektuhan dahil sila ay nagtitiyak ng
pananatili at pag-iral ng kanilang grupo. Kaya sabi nga sa dokyu, hindi tugma
ang modernong paliwanag sa digmaan, hindi maiiwan ang rape. Bahagi at kasama
ang rape sa militarisasyon ayon sa kontemporaryong paliwanag. Ngunit impusible
ito sa lipuanng Bontok, kahit isang daliri ay hindi dadapo sa mga kababaihan
dahil nakasalalay sa kanila ang kaligtasan ng buong komunidad.
Ang pang-apat na pampigil sa rape upang pumasok ay “gender
ideology” sa lahat ng mga nakapanayam, mataas ang respeto sa mag babae kahit sa
kasalukuyan. Ang mga tanond sa kanilang luhar ay mga lola at matatandang babae,
ang Bontoc Women’s Brigade ay nagpapatupad ng kaayusan, maging ng curfew at
pagbabantay sa mga lasing. Ang Bontok rin ay isang pangalang lipunan (one name society), walang apelyido. Kahit sa mag opsiyal at historikal na datos,
kapwa lalaki at babae na nakatira sa ganito o kanyang lugar ang nakatala, hindi
kung sino ang asawa, kapatid, anak, ng mga Bontok.
Pananaw sa relasyon, kahubdan at seks. Simple lang ang
tingin sa Bontoc tungkol sa relasyon, kahubdan at seks. Tila malayo sa
kanlurang nosyon ng pag-ibig at romantikong pagmamahal ang paniniwala ang mga
bontok ukol sa mga bagay na ito ang mga lalaki at babae ay pinagkakasundo ng mga
magulang. Hindi kailangan ng pag-iibigan at hindi rekisito ang pagmamahalan.
Sabi ng mga matatandang Bontok, matututuhan mo na rin ito pagdating ng panahon.
Gayundin ay tingin nila sa katwan, sa panahon wala pang pribadong palikuran.
Ibang iba ang buhay sa payew, kapwa lalaki at babae ang nagtatrabaho sa
sakahan. Dahil sa sobrang daming gawain, wala halos panahons a seks.
Gayunpaman, kahit ang gawaing bahay ay halinhinan ang responsibilidad kung sino
ang nauna ang magtatahip, magpipili at magsasaing, magsasampay o maglalaba. Ang
mga gawaing domestiko ay “gender free” at “fair”. Walang pangbabae at
panglalaki lang na gawin sa loob ng bahay.
Ang huli at pinaka-importanteng salik ay ang buhay sa payew.
Walang lugar sa lipunang Bontok ang rape sapagkat, wala sa kanilang kultura at
kabuhayan (economics o livelihood) nito. Kung susuriin sa huli, nangyayari ang
rape sa mga lipunan na ginagawang bahagi ang dahas at rape sa kanilang
kabuhayan o kultura. Ang kultura ay nakasalalay sa moda ng produksyon o
kabuhayan. Kung anuman ang paraan ng paghahanap buhay ay siya ring magdidikta
kung anong kaisipan, pag-uugali at pagpapahalaga ang magdodomina sa lipunan sa
pamamagitan ng kultura. Dahil sa mga salik na nabanggit, ang realisasyon ng mga
dokumentarista sa kanilang rapist ay walang trabaho at biktima ng sariling
kultura. Pagka walang ginagawa at bulag na tagakonsumo lang ay nanatiling
mayroong rape at hindi mawala ang dahas sa lipunan.
3 comments:
Magandang araw po!
Maraming salamat sa inyong kritika hinggil sa aming dokyung "Walang Rape sa Bontok" :)
Kaunting paglilinaw lamang po: hindi umabot sa rape ang nangyari sa aming research assistant, bagamat ang nangyari'y talagang pang-aabusong sekswal sa kanyang kamusmusan.
Mabuhay, Indymendia Marinduque!
napanood ko lang ito kagabi. ang ganda ng mga puntos lalo na ang mataas na paggalang ng lipunan nila sa mga kababaihan.
saan puwedeng mapanood yung documentary na 'to?
Post a Comment