END:CIV

Join The Network

Search

Friday, September 28, 2012

“Dead River” (Maikling Kwento)


 Renato M. Malco Jr.
 BSEd II- MAPHE

      Sa Baranggay Rafael ay may isang magiting at respitado na tao ito ay si Mang Andoy. Isa si Mang Andoy sa nangangalaga at nagproproteksyon sa kanilang  mayabog na ilog. Ang ilog na iyon ay biyaya at pamana mula sa kanilang ninuno kaya mula noon pinapahalagahan ng buong baranggay ang ilog, sa pamamagitan nang pagtatanim ng mga halaman, pagtatanod at pagtatapon  ng basura sa tamang tapunan. Pero isang araw nagimbal na lang sila na may itinatayo na pabrika sa tabi nang kanilang ilog. Makalipas ang ilang oras ay may isang grupo mula sa pribadong sektor na siyang namamahala sa pagtatayo nang pabrika. Kinausap sila ng mga ito upang ipaliwanag na ang itatayong pabrika ay hindi makakasira sa kanilang kalikasan lalong lalo nasa minamahal nilang ilog. Natuwa at napanatag ang buong baranggay sa kanilang naring lalong lalo na si Mang Andoy.
      Makalipas ang isang buwan nawindang ang lahat sa kanilang nakita, ang kanilang minamahal at isa sa kanilang kayamanan ay sinira nang polusyon mula sa pabrika. Kitang kita ni Mang Andoy ang sinapit nang kanilang ilog mga naglutangan na mga isda at na dati dati’y asul na ilog ngayon ay itim at may halo na nang kemikal. Sobrang nanlumo si Mang Andoy at galit nag alit sa pabrikang hinayaang nilang itayo sa tabi nang kanilang ilog.
      Dahil dito buong buo ang loob nang Baranggay Rafael na mag- aklas sa naturang pabrika. Kaya makalipas ang isang araw nang paghahanda, ay nagpunta na si Mang Andoy at ang buong mamamayan nang Baranggay Rafael sa pag- aaklas sa naturang pabrika. Pero naharangan agad sila nang mga gwardyang nagbabantay dito. Dahil dito ay naisip ni Mang Andoy at nang kanyang kasamahan na sumangguni sa pamahalaan. Pero hindi sila natulungan nang pamahalaan sa kanilang problema sa kadahilanan na ang naturang pabrika ay may mga papeles na hindi nila maaring ipasara ang pabrika. Nanlalambot at nahihilo si Mang Andoy sa sinabe nang kanilnag Mayor. Dahil dito hindi nila napigilan ang pabrika at lalo pang lumala ang sitwasyon nang ilog at natampuan na din nang mga sakit ang mga bata at matatanda sa Baranggay Rafael. Dahil dito nagsilikas na ang iba sa kanila kasama ditto si Mang Andoy na hinayang na hinayang sa pamana nang kanilang ninuno at iyon ang ilog.

WAKAS…………

1 comments:

Who's The Author And The One Who Translate it???

Post a Comment