END:CIV

Join The Network

Search

Thursday, July 19, 2012

”Ang Kakulangan sa mga Pasilidad at Gamit ng Marinduque State College Librarary at ang solusyon para dito.”


Ang May Mungkahi ng Proyekto

Pangalan: Buňag, April C.

Address: Capayang, Mogpog, Marinduque

Contact Number: 09461457855

E-mail address: shanah_april06@yahoo.com

Abstract:

Ang Marinduque State College ay isang pampublikong institutsyon sa Marinduque na magbibigay kalinga sa mga mag-aaral na gustong makapagtapos ng pagaaral sa mababang matrikula lamang.

Mayroon itong mga pasilidad at mga kagamitan na tumutulong upang matugunan ang kanilang pangangailangan sa larangan ng edukasyon.

Ngunit may mga bagay na hindi kayang matugunan ng institusyon. Unang una na rin ditto ay ang kakulangan sa maayos na pasilidad at mga kagamitan,

Marami ng mga estudyante ang nakakapansin sa matagal na problema na nararanasan nila na may kaugnayan sa kanilang pananaliksik sa kani kanilang mga asignatura sa ating silid aklatan. Ang iba pa nga kadalasan ay sa panglalawigang aklatan na makikita sa Don Luis Hidalgo Memorial School sa bayan ng Boac pumupunta. Ang iba naman dahil sa katamaran ay nagagawa nilang sa internet na lang kumuha impormasyon at ang mas masaklap pa, kinokopya lang nila kung ano ang nasa internet na kadalasan ay mali o kung tama man ay hindi naman ito nanggaling sa sarili nilang pagsisikap.

Isa sa layunin ng pananaliksik na ito ay malaman kung ano ang mga puno’t dulo ng lahat ng problema na nararanasan ng mga mag-aaral ng MSC lalo na ang tungkol sa isyu ng aklatan, ang patuloy ng pagsasawalang kibo ng administrasyon tungkol dito, at ano ang magiging solusyon kaugnay sa nasabing problema.

Kaugnay dito, inaalam ng mananaliksik kung ano ang magiging epekto ng mga problemang ito kung hindi agad ito masosolusyunan.

Magigng mahirap ito para sa pamunuan ng paaralan kung patatagalin pa nila ang pagresorba sa problema ng aklatan dahil sa unti-unting pagtaas ng bilang ng mag-aaral ng paaralan amt mas marami ang ngangailangan sa serbisyo ng nasabing pasilidad.

Sinusubukang alamin ng researcher kung may magandang epekto ang pananliksik na ito sa magiging aksyon ng pamunuan kaugnay dito.

Plan of Activities

Aktibidad

Petsa

Pag-aanalisa sa kalagayan ng silid-aklatan

July 9-13, 29012

Pagkuha ng data batay sa nakalap ng impormasyon

July 16-20

Pakikipanayam sa librarian at OIC ng aklatan batay sa petsa ng interview

July 23-August 3

Paghingi ng reaksyon mula sa mga estudyante kaugnay sa suliranin sa aklatan

Aug 6-24

Pagkokompara sa ginawang interview sa mga librarians at mag-aaral

Aug 27-31

Pagsasagawa ng generalisasyon

Sept 3-21

Pagbibigay ng konklusyon

Sept 24-28

Pagbibigay ng rekomendasyon sa problema ng aklatan

Oct 1-5

0 comments:

Post a Comment